^

PSN Showbiz

Claudine, next year pa magbubuntis!

-
Totoong hinulaan si Claudine Barretto na matatagalan pa bago siya magbuntis pero, di siya naniniwala sa hula. At kung hindi man siya agad magbubuntis, wala ritong kinalaman ang hula, talaga lamang nasa plano nila ng kanyang kabiyak na si Raymart Santiago na huwag munang mag-anak, sa susunod na taon pa nila susundan si Sabina na dadalawang taon pa lamang.

"Meron akong sinimulang teleserye, ang Walang Kapalit with Piolo Pascual kaya di muna ako pwedeng magbuntis. Isa pa, gusto namin ni Raymart na prepared na si Sabina para magkaro’n ng kapatid," sabi ng aktres na naniniwalang isa ring acting piece ang pelikula nila ni Kris Aquino na Sukob.

"Ayaw ko ‘tong gawin nung una dahil ginagawa ko pa ang Dubai at mayro’n akong Ikaw Ang Lahat sa Akin sa TV. Isa pa katatapos ko lang gawin ang Nasaan Ka Man na pareho rin ng tema, suspense-thriller, baka pagkumparahin ang dalawa. Natakot din akong baka di ko ma-meet yung expectations ni Direk Chito. Now I’m glad ginawa ko.

"I love working with Kris, she’s a blessing. Masaya kami dahil may bonding kaming dalawa at ni Direk din and I’m sure that this bonding will remain forever.

"Marami ang hindi nakakaalam but may isang side si Kris na sobrang sensitive, she’s a true professional, loveable and she also wants to learn," anang aktres na lalong gumanda nang mag-asawa.

When asked kung pwede rin siyang magsakripisyo para kay Raymart na tulad nang gagawing pagtalikod ni Kris sa kanyang movie career para kay James Yap, sinabi ni Claudine na hindi siya aabot sa ganito dahil di siya tulad ni Kris na buong linggo ay nagtatrabaho.

"I try to keep my Sundays open para sa church service at para magkakasama kaming buong pamilya.

"Wala rin akong problema pagdating sa roles dahil lenient pagdating dito si Raymart, masyado siyang secure sa akin, maski na pagdating sa kissing scenes," pagmamalaki niya.
* * *


[email protected]

CLAUDINE BARRETTO

DIREK CHITO

IKAW ANG LAHAT

ISA

JAMES YAP

KRIS AQUINO

NASAAN KA MAN

NOW I

RAYMART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with