Buti na lang at nag-improve ng husto ang istorya, lalo na ng episode nina Jolina Magdangal at Marvin Agustin. Nagkaroon ng maraming conflict, naibalik ang kilig factor at muling napatunayang pagdating sa wholesome and young comedy, wala pang tatalo kay Jolens. At walang dudang magkabagay na magkabagay pa rin sila ni Marvin. Samahan pa ng maganda ring episode nina Jennylyn Mercado at Mark Herras, masasabi naming panalo ang teleseryeng ito.
Nagkaroon ng magandang conflict sa pagbibigay ng importansiya sa karakter na Wendy (na sanay ipakilala pa nang husto sa publisidad) na kinaiinisan ngayon ng Jolens-Marvin diehards. Kaya namin nasabing sa simula pa lamang ay maganda na ang Jennylyn-Mark episode, dahil mas maganda ang lovestory ng dalawa. At mabibigat ang mga kasama nilang artista, tulad nina Tirso Cruz III, Carmi Martin, Caridad Sanchez, William Martinez at Yayo Aguila. Sa "kabila," tanging si Tetchie Agbayani ang alam naming big star na kasali.
Isa pa, malaki ang improvement sa pag-arte nina Jen at Mark. At kundi nga lamang namin alam na hindi naman nagkakamabutihan ang dalawa in real life, iisipin naming something is going on between the two StarStruck winners.
Balik tayo sa Marvin-Jolens loveteam. Kabilang ako sa naniniwalang hindi pa "laos" ang young loveteam. Nakatyempo lamang sila ng magandang vehicle, ito ngang I Luv NY, na ngayoy tinututukan pa ng husto ng director at scriptwriter, makatitiyak na magbabalik talaga ang "magic" tambalan. Sa ngayon ay mahihirapan pang talunin ang Jolens-Marvin loveteam ng kahit na sinong tambalan.
At sanay hindi rin mapabayaan ang pag-arte nina Jen at Mark dahil habang lumalaon, pinatutunayan ng dalawa na pwede rin silang maging mabigat na artista.
Samantala, may mga nagtatanong hindi raw kaya "in love" si Direktor Louie Ignacio kay Marvin Agustin kaya napapaganda nito ng husto ang karakter ng magaling na aktor? Medyo nagugulat din kami sa "kaseksihan" ni Marvin sa teleserye sa mga eksenang nakahubad ito na nagpapakita ng magandang pangangatawan. BOY C. DE GUIA