Pulitiko, naghahanap ng artistang ili-link para sa publicity
July 13, 2006 | 12:00am
May kakaibang gimmick pala ngayon sa showbiz. Yung tipong tatawag sa manager ang publicist at sasabihin na gagawan nila ng issue ang isang particular na artista para raw bumango ang pangalan. Isa sa una nilang target ay ang TV host/model na si Kat Alano. Tumawag daw ang mystery guy, actually, nagpapakilala naman daw itong Rex at sinasabi na para maging instant star ay ili-link nila si Kat sa politician.
Dedma raw ang mga taong nakapaligid kay Kat Alano as in hindi na siya nag-text back. Pero hindi na-satisfy ang mystery texter, tumawag pa. As in makulit daw ito. Pero walang napala ang nasabing caller at nag-text pa ng kung-anu-ano na kesyo ginawa na raw nila ito noon kina Vina Morales and Cong. Miguel Zubiri. Ginamit lang daw yun for PR. "Do you remember the Migz Zubiri and Vina Morales PR? My client wants that kind of PR. Kaya I want to know kung ok sa inyo. We will pay naman for the PR," say sa text of a certain Rex.
In short, may insinuation na bayad si Vina nang i-link kay Cong. Zubiri na gusto raw nilang gawin ngayon kay Kat.
I doubt it. Hindi gagawin ni Vina ang ganun.
Hay sana nga magsalita itong si Rex na to. Or dati na nila itong ginagawa as part ng kanilang PR strategy sa mga pulitikong gustong tumakbo sa election pero walang name recall.
Ang Kubrador (FRIRESCI winner for best film in competition at the 28th Moscow International Film Festival) ang opening film sa gaganaping Cinemalaya sa Cultural Center of the Philippines sa Lunes, 7:00 p.m. Ito ang unang pagkakataon na mapapanood sa bansa ang award-winning film.
Kelan lang ay na-invite ang Kubrador to Locarnos Filmmakers Competition on August 2 to 16 sa Switzerland. Pero hindi pa sure si Atty. Joji Antonio, produ ng movie kung qualified sila to join dahil Locarno requires at least a European premiere.
Tinanggihan ni Nay Lolit Solis ang offer ng isang glossy magazine na mag-pose ulit ng nude ang alaga niyang si Alfred Vargas. Minsan nang nag-pose si Alfred ng nude sa magazine. Grabe rin ang coffeetable book niya na madaling nabenta dahil sa shocking photos niya kaya tigil muna siya.
Besides, may reason kung bakit hindi na siya puwede sa mga nude pictorial. May show na siya GMA News and And Public Affairs, Ang Pagbabago na nagsimulang mapanood kahapon.
Co-host niya sa nasabing show si Diana Zubiri na minsan naging ka-MU niya for several months.
Hindi ko napanood ang premiere ng Ang Pagbabago yesterday, pero maganda ang feedback ng mga nakapanood. Samantalang kung tutuusin, first time nilang mag-handle ng ganitong program.
Anyway, Ang Pagbabago ay napapanood every afternoon sa GMA 7.
Sobrang nakakatuwa ang kwento ng My Girl, ang Koreanovela na napapanood Monday to Thursday sa ABS-CBN. Finish ko nang panoorin ang buong kuwento sa DVD, at grabe sobrang enjoy. May English translation ito na medyo nakakabaliw pero puwede na. Parating mini-mention ang Philippines sa kuwento dahil supposedly tumira rito ang bidang girl na si Yoo Rin.
Pero if you have enough time naman to watch it sa gabi na dubbed in Tagalog sa ABS-CBN, mas ok na panoorin sa Tagalog.
Cutie ang story at syempre pag mahilig ka sa palabas na may kilig factor, dapat panoorin nyo ito.
May part na nakakaiyak, pero more on sa nakakakilig.
Katawa ang effect ng Superman Returns. Last Sunday kasi watched kami with Iskho Lopez and another friend sa Directors Chair sa Mall of Asia. So habang nanonood kami, biglang nag-dialogue don sa middle part ng movie na "Superman was in Manila yesterday."
Anyway, fast forward, sobrang na-enjoy namin ang movie although ang daming questions ni Iskho Lopez kung bakit ganito, ganyan. The following morning, call si Iskho. Say niya sa answering machine, may lindol.
Natawa ako kasi hindi ko naman naramdamang may lindol. Baka lang naisip ni Iskho na darating si Superman kaya biglang lumindol kasi di ba yung role ni Kevin Spacey supposedly, gusto niyang i-erase ang mundo sa kanyang mga crystals at mangyayari sa pamamagitan ng lindol na sobrang lakas.
Hahaha!
Hay naku, mahirap palang manood sa Directors Chair kasi nakakatulog ka sa lazy boy kaya ang effect, parang panaginip.
Salve V. Asis email - [email protected]
Dedma raw ang mga taong nakapaligid kay Kat Alano as in hindi na siya nag-text back. Pero hindi na-satisfy ang mystery texter, tumawag pa. As in makulit daw ito. Pero walang napala ang nasabing caller at nag-text pa ng kung-anu-ano na kesyo ginawa na raw nila ito noon kina Vina Morales and Cong. Miguel Zubiri. Ginamit lang daw yun for PR. "Do you remember the Migz Zubiri and Vina Morales PR? My client wants that kind of PR. Kaya I want to know kung ok sa inyo. We will pay naman for the PR," say sa text of a certain Rex.
In short, may insinuation na bayad si Vina nang i-link kay Cong. Zubiri na gusto raw nilang gawin ngayon kay Kat.
I doubt it. Hindi gagawin ni Vina ang ganun.
Hay sana nga magsalita itong si Rex na to. Or dati na nila itong ginagawa as part ng kanilang PR strategy sa mga pulitikong gustong tumakbo sa election pero walang name recall.
Kelan lang ay na-invite ang Kubrador to Locarnos Filmmakers Competition on August 2 to 16 sa Switzerland. Pero hindi pa sure si Atty. Joji Antonio, produ ng movie kung qualified sila to join dahil Locarno requires at least a European premiere.
Besides, may reason kung bakit hindi na siya puwede sa mga nude pictorial. May show na siya GMA News and And Public Affairs, Ang Pagbabago na nagsimulang mapanood kahapon.
Co-host niya sa nasabing show si Diana Zubiri na minsan naging ka-MU niya for several months.
Hindi ko napanood ang premiere ng Ang Pagbabago yesterday, pero maganda ang feedback ng mga nakapanood. Samantalang kung tutuusin, first time nilang mag-handle ng ganitong program.
Anyway, Ang Pagbabago ay napapanood every afternoon sa GMA 7.
Pero if you have enough time naman to watch it sa gabi na dubbed in Tagalog sa ABS-CBN, mas ok na panoorin sa Tagalog.
Cutie ang story at syempre pag mahilig ka sa palabas na may kilig factor, dapat panoorin nyo ito.
May part na nakakaiyak, pero more on sa nakakakilig.
Anyway, fast forward, sobrang na-enjoy namin ang movie although ang daming questions ni Iskho Lopez kung bakit ganito, ganyan. The following morning, call si Iskho. Say niya sa answering machine, may lindol.
Natawa ako kasi hindi ko naman naramdamang may lindol. Baka lang naisip ni Iskho na darating si Superman kaya biglang lumindol kasi di ba yung role ni Kevin Spacey supposedly, gusto niyang i-erase ang mundo sa kanyang mga crystals at mangyayari sa pamamagitan ng lindol na sobrang lakas.
Hahaha!
Hay naku, mahirap palang manood sa Directors Chair kasi nakakatulog ka sa lazy boy kaya ang effect, parang panaginip.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended