Meron silang ginagawang proyekto para sa mga less fortunate children of the Philippines na tinatawag nilang Pusong Pinoy USA. Pero, bago dito sa bansa, dun muna sa bansang sinilangan nila at kinalakihan sila magsisimula.
Mula sa pondong nakuha nila during their graduation party, bumili sila ng anim na wheelchair, tatlong prosthetic legs, isang body brace para sa isang batang may scoliosis, hearing aid at kumpletong set ng pustiso para sa isang matandang babae, binayaran nila ang gastos para sa isang cataract operation ng isang lalaki at namahagi sila ng 200 balde ng pagkain at mga laruan para naman sa mga mahihirap na bata ng Maynila.
Sa Agosto, may gagawin silang concert dito sa Maynila kasama si Rico Puno at ang Aldeguer Sisters, ang discoverer at mentors nila.
Nag-produce din sila ng kanilang album na ang carrier single ay pinamagatang "Aking Inay". Mabibili ito sa Tower Records at Odyssey Records. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa Pusong Pinoy USA.
Endorser siya ng Bench Overhauled, Skechers, Mix Gems at Nono Palmos at marami pang iba.
Tampok sina Frances Makil-Ignacio, Andoy Ranay, Diana Malahay, Peter Serrano, mga Greek actors na sina Stella Driva, Xenia Bolomyti, Nikos Stavridis at ang Dulaang UP Ensemble.
May pagtatanghal sa July 12-30 sa Wilfrido Ma. Guerrero theater. 2nd floor, Palma Hall, UP Diliman. Tumawag sa 9261349 o kay William Manzano sa 09185800137.
Naglilibot pa rin sa India si Miriam at ang kaparehang si Paolo Bediones.
Im sure, magiging interesado kayo sa mga food carriers ng Mumbai, mga lalaking no read, no write na araw-araw mula 10NU hanggang hapon ay nagbabahay-bahay para kunin ang order na pagkain ng mga suki nila na isinasakay nila sa tren at isa-isang inihahatid sa opisina ng mga asawa ng mga suki nila ng walang palya.
Tampok din ang pamilya Tadhani, isang matagumpay na pagsasama ng Bumbay at Pinoy at ilang musikerong Pinoy sa isang sikat na otel sa Mumbai.