Pinoy sa pusot diwa
July 13, 2006 | 12:00am
Kakatuwa naman ang magkapatid na EJ, high school grad, at Brendon, junior high, Banares. Kahit na sa US sila parehong isinilang, Pinoy na Pinoy sila sa ugali, lalo na sa puso.
Meron silang ginagawang proyekto para sa mga less fortunate children of the Philippines na tinatawag nilang Pusong Pinoy USA. Pero, bago dito sa bansa, dun muna sa bansang sinilangan nila at kinalakihan sila magsisimula.
Mula sa pondong nakuha nila during their graduation party, bumili sila ng anim na wheelchair, tatlong prosthetic legs, isang body brace para sa isang batang may scoliosis, hearing aid at kumpletong set ng pustiso para sa isang matandang babae, binayaran nila ang gastos para sa isang cataract operation ng isang lalaki at namahagi sila ng 200 balde ng pagkain at mga laruan para naman sa mga mahihirap na bata ng Maynila.
Sa Agosto, may gagawin silang concert dito sa Maynila kasama si Rico Puno at ang Aldeguer Sisters, ang discoverer at mentors nila.
Nag-produce din sila ng kanilang album na ang carrier single ay pinamagatang "Aking Inay". Mabibili ito sa Tower Records at Odyssey Records. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa Pusong Pinoy USA.
Akalain mo, ang dating child star at Thats Entertainment member na si Chuckie Dreyfus ay nagku-compose na pala ng awitin. Ang bagong single release ni Rachelle Ann Go ay komposisyon niya. Unang Tagalog single ito ni Rachelle Ann na Peoples Choice bilang Best Female Artist sa katatapos na Awit Awards ng PARI (Phil. Assoc. of Recording Industry). Kinilala rin ng Awit ang kanyang 1st prize win sa Best Own Country Song Category ng Astana Songfest na kung saan inawit niya ang "Isang Lahi" ni Vehnee Saturno. Kay Saturno rin nagmula ang "From The Start" na nagbigay sa kanya ng Favorite Female Artist at Favorite Mellow Video sa katatapos na MYX Awards.
Endorser siya ng Bench Overhauled, Skechers, Mix Gems at Nono Palmos at marami pang iba.
Para sa kanilang 31st Theater Season, itatanghal ng Dulaang Unibersidad ng Pilipinas ang Shadows of the Reef, written & directed by Anton Juan, Jr. Tungkol sa mga naninirahan sa isang fishing village at kung paanong apektado ang buhay nila ng "muro-ami" style of fishing -and killing.
Tampok sina Frances Makil-Ignacio, Andoy Ranay, Diana Malahay, Peter Serrano, mga Greek actors na sina Stella Driva, Xenia Bolomyti, Nikos Stavridis at ang Dulaang UP Ensemble.
May pagtatanghal sa July 12-30 sa Wilfrido Ma. Guerrero theater. 2nd floor, Palma Hall, UP Diliman. Tumawag sa 9261349 o kay William Manzano sa 09185800137.
Natatandaan nyo pa ba si Sushmita Sen, ang 1994 Miss Universe na ginanap dito sa atin? Siya ang tampok sa interview ni Miriam Quiambao sa Pinoy Meets World sa Linggo sa GMA7.
Naglilibot pa rin sa India si Miriam at ang kaparehang si Paolo Bediones.
Im sure, magiging interesado kayo sa mga food carriers ng Mumbai, mga lalaking no read, no write na araw-araw mula 10NU hanggang hapon ay nagbabahay-bahay para kunin ang order na pagkain ng mga suki nila na isinasakay nila sa tren at isa-isang inihahatid sa opisina ng mga asawa ng mga suki nila ng walang palya.
Tampok din ang pamilya Tadhani, isang matagumpay na pagsasama ng Bumbay at Pinoy at ilang musikerong Pinoy sa isang sikat na otel sa Mumbai.
E-mail: [email protected]
Meron silang ginagawang proyekto para sa mga less fortunate children of the Philippines na tinatawag nilang Pusong Pinoy USA. Pero, bago dito sa bansa, dun muna sa bansang sinilangan nila at kinalakihan sila magsisimula.
Mula sa pondong nakuha nila during their graduation party, bumili sila ng anim na wheelchair, tatlong prosthetic legs, isang body brace para sa isang batang may scoliosis, hearing aid at kumpletong set ng pustiso para sa isang matandang babae, binayaran nila ang gastos para sa isang cataract operation ng isang lalaki at namahagi sila ng 200 balde ng pagkain at mga laruan para naman sa mga mahihirap na bata ng Maynila.
Sa Agosto, may gagawin silang concert dito sa Maynila kasama si Rico Puno at ang Aldeguer Sisters, ang discoverer at mentors nila.
Nag-produce din sila ng kanilang album na ang carrier single ay pinamagatang "Aking Inay". Mabibili ito sa Tower Records at Odyssey Records. Bahagi ng kikitain dito ay mapupunta sa Pusong Pinoy USA.
Endorser siya ng Bench Overhauled, Skechers, Mix Gems at Nono Palmos at marami pang iba.
Tampok sina Frances Makil-Ignacio, Andoy Ranay, Diana Malahay, Peter Serrano, mga Greek actors na sina Stella Driva, Xenia Bolomyti, Nikos Stavridis at ang Dulaang UP Ensemble.
May pagtatanghal sa July 12-30 sa Wilfrido Ma. Guerrero theater. 2nd floor, Palma Hall, UP Diliman. Tumawag sa 9261349 o kay William Manzano sa 09185800137.
Naglilibot pa rin sa India si Miriam at ang kaparehang si Paolo Bediones.
Im sure, magiging interesado kayo sa mga food carriers ng Mumbai, mga lalaking no read, no write na araw-araw mula 10NU hanggang hapon ay nagbabahay-bahay para kunin ang order na pagkain ng mga suki nila na isinasakay nila sa tren at isa-isang inihahatid sa opisina ng mga asawa ng mga suki nila ng walang palya.
Tampok din ang pamilya Tadhani, isang matagumpay na pagsasama ng Bumbay at Pinoy at ilang musikerong Pinoy sa isang sikat na otel sa Mumbai.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended