Mga resto sa Esquinita, mga celebs ang nagmeme-ari

May bagong business na pinagkakaabalahan ngayon ang aktres na si Beth Tamayo, ang Fish Bowl na kamakailan lamang nagbukas sa publiko.  Ang Fish Bowl resto-bar ay matatagpuan sa Esquinita along Sgt. Esguerra St., sa Quezon City na katabing-katabi lamang ng Sencillo, ang Mexican resto-bar naman na pag-aari nina Bambbi Fuentes, James Yap plus four other business partners. 

Ang business partner naman ni Beth ay si Jane dela Cruz, ang business manager ni Judy Ann Santos.  Katabi naman ng Fish Bowl nina Beth at Jane ang Lena’s Restaurant na pag-aari naman ni Kris Aquino and other partners.  Meron ding internet cafe sa nasabing lugar na pag-aari naman ni John Lapus.

Hindi gaanong kalakihang lugar ang Esquinita pero ang kakaiba rito, ang iba’t ibang puwesto rito ay pag-aari ng iba’t ibang kilalang celebrities.
* * *
Gaano kaya katotoo ang balitang sina Keanna Reeves at Andrew Wolfe na raw ngayon?  Pagkatapos ma-link kina Gwen Garci at Ethel Booba, si Keanna naman ngayon ang puntirya ni Andrew at may balitang madalas umanong makita ang dalawa na magkasama.

Kung totoong may Andrew na si Keanna, hindi na siguro nanaisin pa ng PBB-Celebrity Edition Big Winner, mangarap na magkaroon ng anak sa self-confessed gay na si Rustom Padilla na itinuturing niyang close friend ngayon.
* * *
Nadagdagan ang aming paghanga sa movie icon at award-winning actress na si Gloria Romero nang minsan namin itong maimbitahan sa isang intimate dinner in honor of concert producer sa Amerika na si Alfonso Chu o si Tito Al na isang self-confessed fan nina Gloria, Susan Roces at Vilma Santos.

Sa kabila ng kanyang mga achievements, wala pa ring pagbabago si Gloria.  Hindi pa rin niya iniisip ang pagre-retiro sa kabila na 56 na taon na siya sa kanyang trabaho bilang aktres. Tulad ni Eddie Garcia na kanyang kapanabayan sa bakuran ng Sampaguita Pictures, si Tita Glo ay isang magandang halimbawa ng isang tunay na professional actress.  Sa kanyang mahigit limang dekada sa showbiz ay never siyang naging sakit sa ulo ng kanyang producer at mga co-stars.  Kaya naman hanggang ngayon ay nariyan pa rin siya at tinitingala.

Si Gloria ay isa sa mga pangunahing bituin ng I Wanna Be Happy, ng Seiko Films na tinatampukan din nina Eddie Garcia, Cherry Pie Picache, Diana Zubiri, Alfred Vargas, Christian Vasquez at iba pa mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes.

"I had fun doing the movie dahil hindi kami nagkaroon ng problema while doing it.  Masaya kami sa set at very professional lahat ang mga kasama ko sa pelikula," pagmamalaki pa niya.
* * *
E-mail: a_amoyo@pimsi.net

Show comments