Jolo, di na babalik ng Amerika!

Hindi na babalik ng Amerika si Jolo Revilla at naintindihan naman ito ng kanyang magulang.

Ayon kay Sen. Bong Revilla, gusto na ng young actor na ituwid ang buhay dahil may anak na ito. Pangako nga nito na magtatapos siya ng pag-aaral. Gusto rin niyang magbalik-showbiz para may maitulong sa kanyang pamilya, kay Grace at sa anak na lumalaki na.

Kaya naman isinama siya (Jolo) sa Hokus Pokus bilang manliligaw ni Yasmien Kurdi. Tinanong si Jolo kung may posibilidad bang ma-in love siya kay Yasmien?

Ayon sa aktor, trabaho lang ang konsentrasyon niya ngayon at wala munang ligaw-ligaw. Masaya sila ngayon ni Grace at lagi silang magkasama with Gab.
Angel, Di Mabubuntis!
Tinanong namin si Angel Locsin tungkol sa reaksyon niya sa hulang siya’y mabubuntis.

"Tita, di po ako naniniwala sa hula. Alam kong alagaan ang aking katawan kaya imposible itong mangyari. Isa pa, ang ganda ng career ko kaya bakit ko pa palalampasin ang pagkakataon? Marami pa akong pangarap sa buhay na gustong matupad. Pinag-aaral ko pa ang bunso kong kapatid at tumutulong pa rin ako sa aking pamilya. Kaya malabong mabuntis ako," anang aktres.
Blind Item: Pakalat-Kalat Na Lang Sa Kalsada
Naikwento ng aking source na isa ring dating sikat na aktres na lumapit pala sa kanya minsan ang isang sexy star nun at humihingi ng tulong dahil nakasanla ang kanyang bahay na milyones ang halaga.

Tinulungan naman nito ang sexy star dahil may magandang trabaho ang napangasawa nito. Nakakita sila ng bibili kung saan matutubos na ang sangla at may matitira pang P2 milyon sa aktres. Pero sa dakong huli ay di sila nagkasundo dahil magulo ang isip ng sexy actress gayung walang makukuhang porsyento ang tumulong na aktres.

Matagal-tagal ding panahong hindi sila nagkita ng aktres. Hanggang dumating sa punto na nakita niya ito sa kalsada na malapit sa kanyang tirahan at palakad-lakad na lang. Tila wala na ito sa sarili at may bitbit na maleta na punumpuno ng pira-pirasong mga papel sa paniniwalang pera niya ito. Mukhang matanda na ang dating napakagandang sexy star at madusing pa. Wala nang pumapansin sa kanya. Ang nakakalungkot ay ang mga anak nito na nanghihingi na lang ng pagkain sa mga kapitbahay.

Show comments