Nakita ko kung gaano kamahal si Gov. Mark Lapid ng mga tao dahil sa todong suporta na ibinigay sa kanya.
Lahat ng artista ay dumalo pati na rin ang mga lumabas na kontrabida at ilang goons. Gandang-ganda kami kay Tanya Garcia at ang gwapo ngayon ni Mark Anthony Fernandez. Malakas ang dating ni Maynard Lapid at tinitilian siya ng mga bading.
Maganda ang response ng mga manonood at tatlong beses na pinalakpakan ang confrontation scenes nina Gov. at Mark, ang mga fight scenes at sa court scene nang pawalang sala si Mark at pabalikin sa serbisyo. Nang matapos ang Batas Militar ay napakalakas ng palakpakan na natanggap ni Gov. Mark dahil nagandahan sila sa movie. Maaksyon ang pelikula at may puso kung saan ibang klase ang pag-atakeng ginawa ni Direk Jess Lapid Jr.
Matapos makipaghiwalay sa mayamang asawa at karelasyon ay puso lang ang pinairal nito at hindi naging mautak para magpundar ng kabuhayan. Ngayong solo na siya ay karaniwan na lang ang kanyang pamumuhay. Wala siyang matatag na kabuhayan. EMY ABUAN