Sa nakaraang pasinaya at ribbon cutting ng Senior Citizen Center sa Quezon City, nagkatipon ang mga pusong may paglingap sa mga nangangailangan sa pangunguna ni Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte sa unang distrito na pinangangasiwaan ni Councilor Bernadette BH Herrera, nandun din si Councilor Banal, Congresman Bingbong Crisologo, mga barangay captain at opisyales ng ibat ibang samahan.
Buong puso nilang pinasasalamatan ang kagandahang loob ng SM Foundation na pinamumunuan ni dating QC Vice Mayor Connie Angeles, host ng Kapwa Ko Mahal Ko kasama si dating Senador Orly Mercado. Sa kabuuan tamang-tama sa misyon ni Ms. Conie na kapwa muna bago ang sarili.
Sa maikling panahon ng aming pag-uusap, masayang sinabi ni Ms. Connie na higit siyang "fulfilled" at punung-puno ng kasiyahan sa bago niyang kalagayan sa SM Foundation.
"May panahon na rin akong dumalo sa Parent Teachers Assoc. (PTA) pulong ng mga anak ko at pagkain ng salu-salo."
Nagdaos na rin ng Medical Mission sa lahat ng SM malls as far as Batangas, Pampanga, Lucena at Cavite. Sa Trece Martirez, Cavite, naipaayos na rin at napasinayanan na ang Senior Citizen Center through the effort of Gov. Ayong Maliksi at Mayor Sagun. CHIT A. SAMBILE