^

PSN Showbiz

Kapwa niya mahal niya

-
Meron siyang puso na pumipintig para sa kapakanan at paglilingkod sa kapwa niya. Siya si Connie Angeles. She is not only guided by one angel but as many as the stars in heaven, Angeles kasi di ba?

Sa nakaraang pasinaya at ribbon cutting ng Senior Citizen Center sa Quezon City, nagkatipon ang mga pusong may paglingap sa mga nangangailangan sa pangunguna ni Mayor Feliciano "Sonny" Belmonte sa unang distrito na pinangangasiwaan ni Councilor Bernadette BH Herrera, nandun din si Councilor Banal, Congresman Bingbong Crisologo, mga barangay captain at opisyales ng iba’t ibang samahan.

Buong puso nilang pinasasalamatan ang kagandahang loob ng SM Foundation na pinamumunuan ni dating QC Vice Mayor Connie Angeles, host ng Kapwa Ko Mahal Ko kasama si dating Senador Orly Mercado. Sa kabuuan tamang-tama sa misyon ni Ms. Conie na kapwa muna bago ang sarili.

Sa maikling panahon ng aming pag-uusap, masayang sinabi ni Ms. Connie na higit siyang "fulfilled" at punung-puno ng kasiyahan sa bago niyang kalagayan sa SM Foundation.

"May panahon na rin akong dumalo sa Parent Teachers Assoc. (PTA) pulong ng mga anak ko at pagkain ng salu-salo."

Nagdaos na rin ng Medical Mission sa lahat ng SM malls as far as Batangas, Pampanga, Lucena at Cavite. Sa Trece Martirez, Cavite, naipaayos na rin at napasinayanan na ang Senior Citizen Center through the effort of Gov. Ayong Maliksi at Mayor Sagun. CHIT A. SAMBILE

AYONG MALIKSI

CAVITE

CONGRESMAN BINGBONG CRISOLOGO

CONNIE ANGELES

COUNCILOR BANAL

COUNCILOR BERNADETTE

KAPWA KO MAHAL KO

MAYOR FELICIANO

MAYOR SAGUN

MEDICAL MISSION

SENIOR CITIZEN CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with