"Feeling ko, di ako bagay kay Alfred" — Diana Zubiri

Nawala man ang Atlantica na inaalok nun kay Diana Zubiri ay mayroon naman itong kapalit na show titled Ang Pagbabago kung saan kasama niya bilang host si Alfred Vargas.

Inamin nito na nagkaroon sila ng relasyon ng aktor during Encantadia days bilang mag-MU pero hindi nag-work-out dahil sa personal differences.

"Feeling ko, hindi ako bagay sa kanya. Masaya ako kung sila na nga ni LJ Reyes at wala akong nararamdamang selos sa kanya," aniya.

Nakausap ko ang isang taong malapit kay Alfred at sinabi nitong seryoso na nga ang relasyon ng aktor at ni LJ dahil hindi ito mag-aaksaya ng panahon na mula sa Washington ay pupunta pa ng New York para lang makilala ang mommy ng young actress.

Isa ring dahilan kung bakit nagustuhan ni Alfred ang young actress ay dahil nag-aaral ito sa La Salle at desididong magtapos ng kurso. Tapos ng Business Management sa Ateneo si Alfred kaya mahalaga sa kanya ang edukasyon ng babaeng mamahalin.
Ipinagagamot Ang Tatay
Hiwalay na ang tatay ni Diana sa kanyang ikalawang asawa kaya nag-iisa na naman ito sa kanyang bahay sa Bulacan. May rayuma ang kanyang ama kaya ipinagagamot ito ngayon ni Diana.

Kahit may hinanakit ito sa ama ay hindi pa rin siya nakatiis na tulungan ito lalo na ngayon at may karamdaman ito.

Sa kabilang banda, sinabi nito na bagay sa kanya ang programa dahil mula sa pagiging sexy star ay nagbago siya at kinilalang magaling na artista mapa-drama o mapa-komedi.
Maaasahan Sa Pagdidirek
Wala namang reklamo sa Cinema Evaluation Board si Direk Jess Lapid Jr. kundi ang kwestiyon lang nito ay mabigyan sana ng linaw o paliwanag kung bakit di nabigyan ng rating ang Batas Militar. Sa kabila ng pagiging maganda ng pelikula batay sa feedback ng mga kritiko na nakapanood nito. Normal naman ito dahil bilang baguhang director na nakagawa ng matinong pelikula ay inaasahan niyang makakakuha sila ng rating. Hindi rin niya kinukwestyon ang kapasidad ng mga nag-evaluate ng kanyang pelikula. Ang nagpapagaan lang ng kanyang pakiramdam ay ang mga papuring natanggap niya mula sa mga kritiko na nagsabing parang hindi gawa ng baguhang director ang Batas Militar.

Sa kabilang banda, tuluy-tuloy na sa pagdidirek si Jess.

Show comments