Bida na si Reggie!

Obvious na ginagamit ni Reggie Curly, ang Sexbomb girl na si Rochelle Pangilinan. Pinalilitaw kasi ng actor, mahal na mahal niya ito. At si Rochelle naman, buong akala, totoo ang sinabi nito sa kanya.

In fairness naman to Reggie Curly, magaling siyang umarte. Pinakasalan niya si Rochelle sa istorya ni Suzette Doctolero dahil anak mayaman ito at heredera ng malaking kayamanan. Subalit ang totoo si Sunshine Garcia ang syota niya.

"Nagpapasalamat nga ako kay Ate Joy. Binigyan niya ako ng chance na maging bida," kwento ni Reggie.

Matagal-tagal na rin siyang nag-aartista, pero ngayon lang ito nakatikim ng mabigat na papel.

Tungkol naman sa kissing scenes nila ni Sunshine, hindi naman kaya sila ma-develop? Napangiti lang si Reggie, hindi daw niya binibigyang kulay ang mga ganitong pagkakataon. Trabaho lang ang habol nila ni Sunshine. May non-showbiz-bf si Sunshine at si Reggie ay hindi puwede dahil may nagbabawal sa kanya. Kung sinuman yon, secret sabi niya. – VIR GONZALES

Show comments