Bagaman at Two Of A Kind ang titulo ng konsyerto, may dalawa pa silang kasama, sina Gladys Guevara at si Ritchie Paul Gutierrez, ang bunso nina Annabelle at Eddie na sasabak sa concert scene sa kauna-unahang pagkakataon.
"Im gonna do an upbeat song," anang rapper na ipinagprodyus ng kapatid niyang si Richard ng recording sa ilalim ng kumpanya nitong Iced Out. Ayon kay Ritchie Paul, sinasanay na siya ng kanyang ina sa mga shows.
Hindi first time nina Ogie at Pops na magkasama sa isang concert, kaya wala nang problema sa kanila, komportable na sila sa isat isa. Mga kanta na lamang na pagsasamahan nila ang pipiliin nila.
Samantala, inamin ni Ogie na di niya alam kung bakit napalitan siya sa Zsa Zsa Zaturnnah. Siya ang orihinal na gaganap ng role ng baklang parlorista at nagiging Zsazsa Padilla, isang super heroine kapag nakakalulon ng bato. Pero, happy siya na nakuha ni Rustom Padilla ang role.
"I think Rustom deserves it more than anybody else. Masaya siya nung makita kong ini-interview sa TV," aniya.
Sinabi naman ni Pops na sana hindi masyadong gayahin sa pelikula yung costume niya sa comics. "Masyadong brief. Pero, hindi na rin ako masyadong nagkakakain para mag-fit na maganda ang costume sa akin," sabi niya.
When asked kung kumusta ba si Annabelle as a producer. Kilala kasi itong mahigpit at matapang.
"In fairness, ang bait niyang producer, shes very easy to please, ipinamamahala ang show sa stage (Al Quinn) at musical (Homer Flores) directors niya," magkasabay na sagot ng dalawa.
Mas maaga pa sana itong magaganap pero, naging abala ang Bamboo sa mga concerts nila sa abroad at sa paggawa ng kanilang Asian album kaya medyo nabalam ang proyektong ito muli ng M4U.
Isang bagong banda ang makakasama nila. May pangalan itong 8 inches at binubuo nina Arvin Cortez, Fritz Antiporda, Jay Escober, Ivan Nolasco at Ritchie Padama. Maari kayong bumili ng tiket sa opisina ng M4U sa 9127323.
Muli na namang pahahangain ni Jang Geum (Lee Young Ae) ang mga manonood sa kanyang napakagandang kwento. Maging saksi muli sa magandang friendship ng ina ni Jang Geum at ni Lady Han (Mi-Kyung Yang) at kiliging muli sa pag-iibigan nila ni Kapitan Jung Ho Min (Ji Jin Hee) at ng mahalagang papel ni Haring Jungjong (Im Ho) sa pag-iibigan nila.
Panoorin ang Jewel in the Palace, By Popular Demand, Lunes hanggang Biyernes, simula Hulyo 10 sa GMA7.