Twenty years old na si Maynard at third year college na ng Business Management sa Angeles University.
Sakaling magtapos ng kurso ay inamin nitong hindi siya interesadong pumasok sa pulitika gaya ng kanyang amang senador at kapatid na gobernador.
"Mas gugustuhin ko pong pagsabayin ang pag-aartista at pag-aaral ko. Pag tapos na ako ng pag-aaral ay gusto kong mag-concentrate sa pag-aartista. Gusto kong sundan ang yapak ng aking ama at maging isang magaling na action star," aniya.
Ang galing ng torture scene na ginawa kay Maynard na ikinamatay nito sa Batas Militar. Galing nga siya sa angkan ng mga artista.
Ngayong naitatag na ang MTL Films ay magiging abala ito sa mga susunod na proyekto gaya ng Barako at Badjao. Natutuwa si Mark dahil mabibigyan na nila ng kanyang ama ng trabaho ang mga maliliit na artista gaya ng mga stuntmen goons, bit players at kahit pa make-up artist na nawalan ng trabaho nang mawala si FPJ.
Isang malaking sugal sa kanila ang pagpoprodyus ng action movies dahil matamlay ngayon ang movie industry kaya nga puro digital films ang inaasikaso ng mga independent producers.
Pinakahuling pelikula ni Liz ang Espadang Patpat noong 2000 katambal si Dolphy. Pero lumabas ito sa soap opera na Recuerdo de Amor two years ago.
Nagkaroon siya ng relasyon kay Jess Lapid Jr. kung saan nagkaroon sila ng dalawang anak. Ngayon ay Mrs. Benny Coo na siya at paminsan-minsan ay nagpo-prodyus ito ng concerts tampok ang anak na si Paolo na isang magaling na singer. Pangarap din nito ngayon na makapagprodyus ng digital film.
Sa mga kapanabayan niyang artista ay tanging si Carmi Martin ang aktibo ngayon sa showbiz. Nawala na si Anna Marie Gutierrez at Yehlen Catral.