‘No comment’ si Gerald Anderson kung virgin pa siya o hindi

Sa mga mahihilig sa wrestling at may kanya-kanyang paboritong wrestler ay tiyak na mage-enjoy sila kay Kane, ang tumitimbang ng 400 pounds at tinaguriang The Big Red Monster at isa nang artista sa pelikulang See No Evil.

Sabi nga, kung hindi kayo nakatulog ng mapanood ninyo si Freddie Krueger ng Nightmare on Elm Street at Jayson Voorhees ng Friday the 13th ay tiyak na bangungot na ang mangyayari sa mga manonood ng See No Evil kaya payo mismo ng distributor ng pelikula na ng Viva International Pictures ay magdala kayo ng mga kasama kapag pinanood ninyo ito ngayong araw, July 5.
* * *
Nanlalaki ang mga mata ni Gerald Anderson sa mga tanong namin sa kanya kung "virgin" pa siya dahil usually, kapag sa Amerika lumaki ay maagang nawawala ang virginity considering na nagkaroon daw siya ng tatlong seryosong girlfriends. 

"Oh, wow. I didn’t expect this, I should say no comment po," napailing niyang sagot nang ma-one-on-one interview namin siya.

Amboy ka at imposibleng hindi mo alam ang tungkol sa sex since sa Amerika ka naman lumaki? 

"Yes, I grew up there, but I’m more of a Filipino, my values are Pinoy po, I respect girls and bata pa po ako," mabilis uling sagot ni Gerald habang nakatitig siya sa amin.

How do you show your love to your girlfriends, especially during your intimate moments?

"Ha, ha, ha! I just kiss her sa cheeks po, holding hands lang po," mabilis uling sundot ng alaga ng katotong Jun Reyes.

So, hindi pa siya na-Love Spell tulad ng nangyari sa kanila ni Kim Chiu na love interest niya in reel at real life?

"Ha, ha, ha! we’re very close po ni Kim, but no commitment at all. I guess, it’s too early pa to go on that thing," so nade-develop na po ako at hindi ko po idi-deny ‘yun seryosong sabi ni Gerald sabay tingin kay Kim.

"For Kim, I don’t know if she likes me, too. I’m not sure, but I’m hoping that she likes me,"

At bukod sa Love Spell na mapapanood na sa Linggo, July 9 ay kasama rin sila ni Kim sa sitcom na Aalog-Alog kasama naman sina Keanna Reeves, Pokwang at John Prats na mapapanood naman tuwing araw ng Sabado ng gabi.
* * *
Tinatawagan namin si Angel Locsin kahapon, Martes para alamin kung bakit siya lumipat na sa Belo Medical Clinic ni Dra. Vicki Belo gayung alam naman ng lahat na isa siya sa precious endorsers nina Drs. Manny at Pie Calayan.

Ang alam namin ay may verbal agreement pa sila ni Dr. Calayan, wala na ba ito? 

How true, kasama rin niyang nagpa-facial sa nabanggit na clinic ang boyfriend niyang si Oyo Boy Sotto? — Reggee Bonoan

Show comments