Sa palikulang Eternity ay sila ni Mark Herras ang magpapatuloy sa makabagong panahon ng isang love story na magsisimula noong 1897 kina Iza Calzado at Dingdong Dantes.
Bagay ang dalawa dahil klasiko ang mukha nila. Komportable si Iza sa mga period clothes na gagamitin niya.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Dingdong na hindi siya mahilig mag-blower ng buhok at gumamit ng gel. Kuntento na siya kahit bagsak ang buhok niya at may hati pa.
Magaling na artista si Katarina kaya nalulungkot siyang hindi na nasundan ang kanyang TV sitcom na Idol Ko Si Kap. Umaasa ito na sanay bukod sa White Lady ay magkaroon pa siya ng mga proyekto gayundin sa telebisyon.
Noong July 1 ay naimbitahan kami dito at aliw na aliw kami sa mga pakwela ni K Brosas at The Boxers. Gayang-gaya ni K ang boses ni Sharon Cuneta, Zsazsa Padilla, Elizabeth Ramsey, Jaya at Malou Barry at ang galing niyang umawit. Tuwing Huwebes sila mapapanood sa comedy bar.
"Lagi nitong sinasabi na tunay ang kanyang dibdib at never niyang ipinaayos ito pero, hindi kami naniniwala sa kanya dahil one time (shooting break) ay nakatulog ito sa matinding pagod sa kanyang upuan. Nakalupaypay ito sa matinding pagod at nakatungo pa kaya hindi naramdaman na naalis na ang tuwalyang itinakip nito sa kanyang negligee. Kitang-kita nila na kahit nakalungayngay ito ay tayung-tayo pa rin ang kanyang boobs. Isang sexy movie kasi ang sinu-shooting at ang bida ay ang nakatulog na seksing aktres.