"Kung ito ang hinihingi sa movie, okay lang sa akin. Artista ako, even a lovescene with another man ay magiging isang malaking hamon," sabi niya sa presscon ng Twilight Dancers, isang gay movie na dinidirek ni Mel Chionglo para sa Centerstage Productions. Inihahabol ito para sa Toronto International Film Festival sa September.
Isa sa mga bida rito si Allen na ang role ay isang palaos nang macho dancer at pinapalitan na siya ni Tyron Perez. Babaling siya sa pagiging isang DI ng mga matrona pero, pareho silang magiging biktima ni Madam Loca (Cherry Pie Picache). Kasama rin sa movie sina Ana Capri, Lauren Novero, William Martinez, Arnell Ignacio, Glaiza de Castro, IC Mendoza, JE Sison, Kris Martinez at Joel Lamangan na pumayag gumawa ng isang cameo role.
Bilang paghahanda sa pelikula, pinanood ni Allen ang Macho Dancer, Sibak at Burlesk King. Nag-acting workshop din siya at nag-aral ng macho at ballroom dancing.
Isang acting piece and role ni Allen kaya tinututukan siya ni Direk Mel. "Subdued ang acting niya rito. May mga eksena na iyak na iyak na siya pero, sinasabihan ko siya na ipunin ang luha niya sa mata at huwag itong pabagsakin," anang direktor. Na ginawa naman ni Allen.
"Hindi pa kami nagkikita ever since kaya wala pa akong naririnig na paliwanag mula sa kanya," anang kontrobersyal na housemate na mabuti na lamang at hindi nawawalan ng projects simula nang matapos ang episode nila sa PBB. Sa kasalukuyan ay regular itong napapanood sa Gudtaym pero, kung mayron siyang wish para sa kanyang katatapos na birthday, ito ay ang mapasama siya sa isang teleserye sa ABS-CBN na kung saan siya ay may kontrata.