Matagal-tagal na panahon na rin naming kakilala si Chokoleit na nagsimula bilang isa sa mga beauticians ng Ricky Reyes Salon. Wala pa sa showbiz si Chokoleit ay madalas namin itong makita sa mga functions ng kaibigan naming fashion designer na si Gener Gozum kung saan siya ang parating naiimbitahang mag-host at mag-perform.
"Madali akong makaka-relate sa character ni Didi dahil dati rin akong parlorista," ani Chokoleit.
Si Ronald Constantino ang gumawa ng paraan para personal na ma-meet ni Alfonso na mas kilalang Tito Al si Susan Roces sa tulong na rin ni Dolor Guevarra may dalawang taon na ang nakakaraan. Nung isang taon naman ay nagkita sa L.A. sina Tito Al at Vilma kaya nang dumating sa Pilipinas ang self-made businessman ng Anaheim ay wala itong hiling kundi makita ang isa pa niyang hinahangaang aktres, si Gloria Romero. Nahihiya man kami kay Gloria, ay nilakasan namin ang aming loob na itoy maimbitahan para sa isang intimate dinner para kay Tito Al. Ganun na lamang ang aming pasasalamat nang paunlakan ni Gloria ang aming imbitasyon.
"Kumpleto na ang buhay ko ngayong personal ko nang nakilala ang tatlo sa mga hinahangaan kong artista," pahayag ni Tito Al na halos mangiyak-ngiyak nang makaharap nito nang personal ang award-winning veteran actress at pangunahing bida sa pelikulang I Wanna Be Happy na si Gloria Romero.
Si Tito Al ay isang successful businessman sa Anaheim, California. Pinasok na rin nito ang pagpu-produce ng live concert sa L.A. at San Diego.
Sa December 21 ay babalik ng Pilipinas si Tito Al at ang kanyang pamilya (ang kanyang Puerto Rican wife na si Elizabeth at dalawang anak na sina Brian at Kimberly) para dito ganapin ang debut party ni Kim sa December 23 sa Crowne Plaza Ballroom.