^

PSN Showbiz

Rufa Mae, Erik Santos, may romansa talaga!

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi ikinakaila ng singer-comedian na si Chokoleit na napaiyak siya nang malaman niya na sa kanya mapupunta ang role na Didi sa movie version ng Zsa Zsa Zaturnnah na pinamamahalaan ni Joel Lamangan at isa sa 10 official entries ng 2006 Metro Manila Film Festival. Ang nasabing pelikula ay pinagbibidahan nina Zsazsa Padilla, Rustom Padilla at Pops Fernandez.

Matagal-tagal na panahon na rin naming kakilala si Chokoleit na nagsimula bilang isa sa mga beauticians ng Ricky Reyes Salon.  Wala pa sa showbiz si Chokoleit ay madalas namin itong makita sa mga functions ng kaibigan naming fashion designer na si Gener Gozum kung saan siya ang parating naiimbitahang mag-host at mag-perform.

"Madali akong makaka-relate sa character ni Didi dahil dati rin akong parlorista," ani Chokoleit.
* * *
Hinding-hindi makakalimutan ng aming balikbayang relative na si Alfonso Chu ang personal nilang pagtatagpo ng kanyang hinahangaang movie queen na si Gloria Romero over dinner sa Banana Leaf sa Podium nung nakaraang Sabado ng gabi.  Hindi nito ikinakaila na tatlong artista lamang ang kanyang hinahangaan mula noon hanggang ngayon, ang tatlong movie queens ng kani-kanilang henerasyon na sina Gloria Romero, Susan Roces at Vilma Santos

Si Ronald Constantino ang gumawa ng paraan para personal na ma-meet ni Alfonso na mas kilalang Tito Al si Susan Roces sa tulong na rin ni Dolor Guevarra may dalawang taon na ang nakakaraan.  Nung isang taon naman ay nagkita sa L.A. sina Tito Al at Vilma kaya nang dumating sa Pilipinas ang self-made businessman ng Anaheim ay wala itong hiling kundi makita ang isa pa niyang hinahangaang aktres, si Gloria Romero.  Nahihiya man kami kay Gloria, ay nilakasan namin ang aming loob na ito’y maimbitahan para sa isang intimate dinner para kay Tito Al.  Ganun na lamang ang aming pasasalamat nang paunlakan ni Gloria ang aming imbitasyon.

"Kumpleto na ang buhay ko ngayong personal ko nang nakilala ang tatlo sa mga hinahangaan kong artista," pahayag ni Tito Al na halos mangiyak-ngiyak nang makaharap nito nang personal ang award-winning veteran actress at pangunahing bida sa pelikulang I Wanna Be Happy na si Gloria Romero.

Si Tito Al ay isang successful businessman sa Anaheim, California. Pinasok na rin nito ang pagpu-produce ng live concert sa L.A. at San Diego.

Sa December 21 ay babalik ng Pilipinas si Tito Al at ang kanyang pamilya  (ang kanyang Puerto Rican wife na si Elizabeth at dalawang anak na sina Brian at Kimberly) para dito ganapin ang debut party ni Kim sa December 23 sa Crowne Plaza Ballroom.
* * *
Nung una, akala namin gimmick lang ang pagkaka-link kina Rufa Mae Quinto at Erik Santos dahil magkasama ang dalawa sa iisang management company, ang Backroom, Inc.  Pero nang magsalita na si Erik at personal na ihayag ang kanyang saloobin sa singer-comedienne, doon lamang kami naniwala na hindi ito gimmick. At nung nakaraang Linggo naman ay nagsalita na rin si Rufa Mae tungkol sa kanyang nararamdaman sa dating kampeon ng Star In A Million.
* * *
E-mail: [email protected]

ALFONSO CHU

BANANA LEAF

CHOKOLEIT

CROWNE PLAZA BALLROOM

DIDI

GLORIA ROMERO

SUSAN ROCES

TITO AL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with