Ethel Booba, wala nang career sa GMA
July 4, 2006 | 12:00am
Swear, kakaibang experience ang manood ng live ng boxing - Mano-A-Mano nina Manny Pacquiao & Oscar Larios sa Araneta Coliseum last Sunday morning.
Nakaka-tense actually dahil umabot sa 12 rounds ang fight at talagang matigas si Larios. Ang haba pa ng braso. Saka na-corner si Manny sa 3rd round so lahat yata ng tao sa Araneta, pinigilang huminga.
Sino ba naman kasing Pinoy ang gustong matalo si Manny? Syempre, all of us gustong manalo siya.
Anyway, ang daming artistang sumuporta kay Manny. Andun sila Megastar Sharon Cuneta with Sen. Kiko Pangilinan, Aga & Charlene Muhlach, Claudine and Raymart Santiago, actually ang magkakapatid na Santiago - Rowell & Randy, Dennis Padilla & Marjorie Barretto, Sen. Mar Roxas & Korina Sanchez, Karen Davila, Arnold Clavio among others na talagang nag-cheer for Manny.
Minsan nga lang naman mangyayari ang ganitong chance kaya hindi dapat palampasin.
With my brother Jojo, and Ian Fariñas husband Jojo & son Justin go kami sa Araneta Sunday morning.
Hindi pa man kami nag-iinit sa upuan, main event na - laban na nina Pacquiao at Larios.
Ganun pala yun, para ka ring nakikipag-boxing dahil nakakakaba. At least kakaiba siya sa showbiz na usually iniikutan ng buhay namin. Dito actual fight - may dugo kang makikita.
Since almost ring side kami, finally nakita ko in person si Micheal Buffer, ang boxing announcer na sa TV lang natin usually nakikita. Siya yung sumisigaw ng "Lets get ready to rumble."
Si Bituin Escalante naman ang kumanta ng national anthem at parang impressed sa kanya ang kumanta ng Mexican anthem dahil after she sang, naki-beso ang girl kay Bituin.
Pareho palang buntis ang misis ni Larios at Pacquiao habang nanonood. Nag-uusap kaya sila habang nagbabakbakan ang kani-kanilang asawa?
Ito pa, habang ongoing ang fight dahil pag live kang nanood, walang commercial, sus may lumilipad na paru-paro sa ring. Naalala tuloy namin ni Ghie Trillana si Rustom Padilla.
Anyway, mahal man ang ticket, sulit ang ibinayad nila dahil umabot sa 12 round ang laban at talagang may moment na kakabahan ka.
Exciting ang feeling.
Sunud-sunod ang event sa Araneta, last Friday jampacked din ang Araneta sa Bench Fever.
Sunod na papanoorin namin ang Black Eyed Peas sa Araneta. Naku, Im sure another hit ang concert ng grupo na matagal-tagal na ring naririnig.
Ang Viva concert ang producer ng Black Eyed Peas.
Speaking of Bench Fever, hanggang ngayon ay may fever pa rin ang mga nanood last Friday night.
May fever pa sila kay Camille Prats. Marami kasing nag-comment na dapat ay nag-denim na lang ang young actress dahil na-obvious tuloy na niretoke ang katawan niyang lumabas sa FHM Magazine. Medyo short ang legs ni Camille eh may solo spot pa naman siya. Sa nasabing issue kasi ng FHM, super-sexy siya.
Si Cassandra Ponti naman pala, two years ago, bagsak sa go-see ng Bench. Pero last Friday, twice siyang rumampa.
Punung-puno ang Araneta sa nasabing Bench Fever. Naku, walang sinabi ang concert ng mga foreign artist na nagko-concert sa nasabing venue. Nag-impose nga sila bigla ng no-re-entry dahil ang dami pang tao sa labas.
Bihira nga naman ang ganong chance. Sama-sama rrin ang Kapamilya at Kapuso na rumarampa sa Bench Fever.
Curious lang akong malaman. Bakit kaya pilit na itinatago ng isang actress/singer na wala siyang boyfriend na non-showbiz samantalang wala namang masama sakaling meron? Shes on the right age now. Actually, puwede na siyang mag-asawa kung tutuusin. But why o why?
Anyway, hayaan na lang natin siyang mag-ilusyon sa pagsasabing loveless siya.
Goodbye na talaga ang career ni Ethel Booba. Sinabi ni Ms. Wilma Galvante, Senior Vice President, Entertainment TV, so far wala pa sa kina-casting nila si Ethel. Maging GMA News and Current Affairs ay wala na rin daw naka-line up na programa.
Wala na rin daw contract si Ethel sa GMA ayon naman kay Ms. Marissa L. Flores, SVP News and Public Affairs.
Wawa naman siya. Pero kasalanan naman niya ang nangyari. Nagluka-lukahan siya lalo na nang ma-in love kay Alex Crisano kaya ayun, goodbye na ang career.
Moral lesson - wag mag-ilusyon na sikat na at mahalin ang trabaho.
Salve V. Asis- email: [email protected]
Nakaka-tense actually dahil umabot sa 12 rounds ang fight at talagang matigas si Larios. Ang haba pa ng braso. Saka na-corner si Manny sa 3rd round so lahat yata ng tao sa Araneta, pinigilang huminga.
Sino ba naman kasing Pinoy ang gustong matalo si Manny? Syempre, all of us gustong manalo siya.
Anyway, ang daming artistang sumuporta kay Manny. Andun sila Megastar Sharon Cuneta with Sen. Kiko Pangilinan, Aga & Charlene Muhlach, Claudine and Raymart Santiago, actually ang magkakapatid na Santiago - Rowell & Randy, Dennis Padilla & Marjorie Barretto, Sen. Mar Roxas & Korina Sanchez, Karen Davila, Arnold Clavio among others na talagang nag-cheer for Manny.
Minsan nga lang naman mangyayari ang ganitong chance kaya hindi dapat palampasin.
With my brother Jojo, and Ian Fariñas husband Jojo & son Justin go kami sa Araneta Sunday morning.
Hindi pa man kami nag-iinit sa upuan, main event na - laban na nina Pacquiao at Larios.
Ganun pala yun, para ka ring nakikipag-boxing dahil nakakakaba. At least kakaiba siya sa showbiz na usually iniikutan ng buhay namin. Dito actual fight - may dugo kang makikita.
Since almost ring side kami, finally nakita ko in person si Micheal Buffer, ang boxing announcer na sa TV lang natin usually nakikita. Siya yung sumisigaw ng "Lets get ready to rumble."
Si Bituin Escalante naman ang kumanta ng national anthem at parang impressed sa kanya ang kumanta ng Mexican anthem dahil after she sang, naki-beso ang girl kay Bituin.
Pareho palang buntis ang misis ni Larios at Pacquiao habang nanonood. Nag-uusap kaya sila habang nagbabakbakan ang kani-kanilang asawa?
Ito pa, habang ongoing ang fight dahil pag live kang nanood, walang commercial, sus may lumilipad na paru-paro sa ring. Naalala tuloy namin ni Ghie Trillana si Rustom Padilla.
Anyway, mahal man ang ticket, sulit ang ibinayad nila dahil umabot sa 12 round ang laban at talagang may moment na kakabahan ka.
Exciting ang feeling.
Sunud-sunod ang event sa Araneta, last Friday jampacked din ang Araneta sa Bench Fever.
Sunod na papanoorin namin ang Black Eyed Peas sa Araneta. Naku, Im sure another hit ang concert ng grupo na matagal-tagal na ring naririnig.
Ang Viva concert ang producer ng Black Eyed Peas.
May fever pa sila kay Camille Prats. Marami kasing nag-comment na dapat ay nag-denim na lang ang young actress dahil na-obvious tuloy na niretoke ang katawan niyang lumabas sa FHM Magazine. Medyo short ang legs ni Camille eh may solo spot pa naman siya. Sa nasabing issue kasi ng FHM, super-sexy siya.
Si Cassandra Ponti naman pala, two years ago, bagsak sa go-see ng Bench. Pero last Friday, twice siyang rumampa.
Punung-puno ang Araneta sa nasabing Bench Fever. Naku, walang sinabi ang concert ng mga foreign artist na nagko-concert sa nasabing venue. Nag-impose nga sila bigla ng no-re-entry dahil ang dami pang tao sa labas.
Bihira nga naman ang ganong chance. Sama-sama rrin ang Kapamilya at Kapuso na rumarampa sa Bench Fever.
Anyway, hayaan na lang natin siyang mag-ilusyon sa pagsasabing loveless siya.
Wala na rin daw contract si Ethel sa GMA ayon naman kay Ms. Marissa L. Flores, SVP News and Public Affairs.
Wawa naman siya. Pero kasalanan naman niya ang nangyari. Nagluka-lukahan siya lalo na nang ma-in love kay Alex Crisano kaya ayun, goodbye na ang career.
Moral lesson - wag mag-ilusyon na sikat na at mahalin ang trabaho.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended