Kasama rin sa soap at makaka-pareha ni Sandara ang boyfriend na si Joseph at si Gerald Anderson pa rin ang makaka-loveteam ni Kim. Sa feedback ng show pag nag-air na, malalaman kung tamang ma-insecure ang Koreana sa Tsinay. Pero, kung ang lakas ng sigawan ng tao sa Araneta Coliseum sa Bench Fever ang pagbabatayan, in na in nga ngayon sina Kim at Gerald. Ang daming fans ng dalawang ito.
Saka, mukhang may rason ngang ma-insecure si Sandara dahil bukod sa Crazy For You, sina Kim at Gerald din ang bida sa Lovespell, ang light-romantic series na magsisimulang mapanood sa July 9, after Your Song. Tiyak na malapit na rin silang gumawa ng pelikula.
Hindi maiintriga ang Iza-Dingdong loveteam dahil pareho na silang taken at pinsan ng aktres si Karylle na girlfriend ng actor. Kilala naman ni Dingdong ang boyfriend niyang si Jerry Garcia. May mutual respect daw sila kaya, maayos ang kanilang trabaho.
"Sa Encantadia pa lang, mataas na ang respeto namin sa kanya. Pag nagsasalita siya, nakikinig kaming lahat. Were friends pero, di kami close at mabibilang ang times na nagti-text kami and serious stuff pa. There is nothing beyond friendship and work sa amin."
Excited na rin si Iza sa nalamang balak ni direk Mark na ang "In Another Lifetime" ni Gary Valenciano ang gawing theme song ng movie. Mas bagay ang lyrics nito kesa kantang Eternity na suggestion ni Mother Lily pero, inayawan ni direk Mark dahil pang-40s ang song.
"Napi-feel kong ayaw sa akin ng ibang press dahil sa presscon, marami ang di kumakausap sa akin at iniiwasan ako. Wala naman akong kasalanan sa nangyari," sabi nito.
But we corrected Dion at ipinaalam na ikina-turn off ng press ang ipinangakong di niya iiwan si Leo at gagayahin niya si Richard Gomez na hanggang ngayon, si Douglas Quijano pa rin ang manager. Hindi yun ang nangyarit pangit pay, pera ang pinag-awayan nila ni Leo.
Anyway, masaya si Dion sa pagkakasama sa I Wanna Be Happy dahil marami siyang exposure at mahahaba ang lines. Kasama rin siya sa Season 6 ng Now & Forever (Linlang) sa role ng bellboy ng hotel at may gusto kay Chynna Ortaleza.