Dion, nakabuntis ng taga-Gapo?
July 4, 2006 | 12:00am
Sina Toni Gonzaga at Luis Manzano ang pinakabida sa bagong soap ng ABS-CBN na Crazy For You pero, tiyak na malaki ang maitutulong para mas subaybayan ito sa pagsasama nina Sandara Park at Kim Chiu. Maganda ang ginawa ng Dos na pagsamahin sila sa isang show dahil may lumabas na alingasngas na insecure si Sandara kay Kim dahil ito na raw ang favorite ng Dos ngayon at mas maraming project kesa sa kanya.
Kasama rin sa soap at makaka-pareha ni Sandara ang boyfriend na si Joseph at si Gerald Anderson pa rin ang makaka-loveteam ni Kim. Sa feedback ng show pag nag-air na, malalaman kung tamang ma-insecure ang Koreana sa Tsinay. Pero, kung ang lakas ng sigawan ng tao sa Araneta Coliseum sa Bench Fever ang pagbabatayan, in na in nga ngayon sina Kim at Gerald. Ang daming fans ng dalawang ito.
Saka, mukhang may rason ngang ma-insecure si Sandara dahil bukod sa Crazy For You, sina Kim at Gerald din ang bida sa Lovespell, ang light-romantic series na magsisimulang mapanood sa July 9, after Your Song. Tiyak na malapit na rin silang gumawa ng pelikula.
Nataranta si Iza Calzado sa tanong ng press kung para sa love scene nila ni Dingdong Dantes sa Eternity ang special workshop na iko-conduct ni director Peque Gallaga. Ang alam nitoy for the whole movie ang workshop at hindi for a particular love scene. Gusto lang nitong iba ang makita sa kanila ni Dingdong sa Moments of Love kaya, nag-request sila ng workshop. On her part, sa Sabel pa with Wendell Ramos ang last screen kiss niya.
Hindi maiintriga ang Iza-Dingdong loveteam dahil pareho na silang taken at pinsan ng aktres si Karylle na girlfriend ng actor. Kilala naman ni Dingdong ang boyfriend niyang si Jerry Garcia. May mutual respect daw sila kaya, maayos ang kanilang trabaho.
"Sa Encantadia pa lang, mataas na ang respeto namin sa kanya. Pag nagsasalita siya, nakikinig kaming lahat. Were friends pero, di kami close at mabibilang ang times na nagti-text kami and serious stuff pa. There is nothing beyond friendship and work sa amin."
Excited na rin si Iza sa nalamang balak ni direk Mark na ang "In Another Lifetime" ni Gary Valenciano ang gawing theme song ng movie. Mas bagay ang lyrics nito kesa kantang Eternity na suggestion ni Mother Lily pero, inayawan ni direk Mark dahil pang-40s ang song.
Walang maalalang kakilalang babae si Dion Ignacio na Anne ang pangalan at taga-Olongapo City. Pangalan daw ito ng girl na nabuntisan niya na itinatanggi nitot wala raw siyang girlfriend at puro trabaho ang kanyang ginagawa. Naisip nitong kaya puro negative ang nasusulat sa kanya, dahil maraming press people ang ayaw sa kanya dahil sa nangyari sa kanila ng ex-manager niyang si Leo Bukas na mahal ng press.
"Napi-feel kong ayaw sa akin ng ibang press dahil sa presscon, marami ang di kumakausap sa akin at iniiwasan ako. Wala naman akong kasalanan sa nangyari," sabi nito.
But we corrected Dion at ipinaalam na ikina-turn off ng press ang ipinangakong di niya iiwan si Leo at gagayahin niya si Richard Gomez na hanggang ngayon, si Douglas Quijano pa rin ang manager. Hindi yun ang nangyarit pangit pay, pera ang pinag-awayan nila ni Leo.
Anyway, masaya si Dion sa pagkakasama sa I Wanna Be Happy dahil marami siyang exposure at mahahaba ang lines. Kasama rin siya sa Season 6 ng Now & Forever (Linlang) sa role ng bellboy ng hotel at may gusto kay Chynna Ortaleza.
Para sa couples na gustong magka-anak ang topic sa Moms ng QTV 11 this Tuesday. Sa episode na There Was A Boy, There Was A Girl pwede nang planuhin ang gender ng gusto ninyong baby para mapaghandaan ang kanilang pangalan. Guests sina Jan Marini, Lorraine Timbol-Aguada, Sheila Reyes-Angeles, Anna Angeles at Dra. Cristina Padolina.
Kasama rin sa soap at makaka-pareha ni Sandara ang boyfriend na si Joseph at si Gerald Anderson pa rin ang makaka-loveteam ni Kim. Sa feedback ng show pag nag-air na, malalaman kung tamang ma-insecure ang Koreana sa Tsinay. Pero, kung ang lakas ng sigawan ng tao sa Araneta Coliseum sa Bench Fever ang pagbabatayan, in na in nga ngayon sina Kim at Gerald. Ang daming fans ng dalawang ito.
Saka, mukhang may rason ngang ma-insecure si Sandara dahil bukod sa Crazy For You, sina Kim at Gerald din ang bida sa Lovespell, ang light-romantic series na magsisimulang mapanood sa July 9, after Your Song. Tiyak na malapit na rin silang gumawa ng pelikula.
Hindi maiintriga ang Iza-Dingdong loveteam dahil pareho na silang taken at pinsan ng aktres si Karylle na girlfriend ng actor. Kilala naman ni Dingdong ang boyfriend niyang si Jerry Garcia. May mutual respect daw sila kaya, maayos ang kanilang trabaho.
"Sa Encantadia pa lang, mataas na ang respeto namin sa kanya. Pag nagsasalita siya, nakikinig kaming lahat. Were friends pero, di kami close at mabibilang ang times na nagti-text kami and serious stuff pa. There is nothing beyond friendship and work sa amin."
Excited na rin si Iza sa nalamang balak ni direk Mark na ang "In Another Lifetime" ni Gary Valenciano ang gawing theme song ng movie. Mas bagay ang lyrics nito kesa kantang Eternity na suggestion ni Mother Lily pero, inayawan ni direk Mark dahil pang-40s ang song.
"Napi-feel kong ayaw sa akin ng ibang press dahil sa presscon, marami ang di kumakausap sa akin at iniiwasan ako. Wala naman akong kasalanan sa nangyari," sabi nito.
But we corrected Dion at ipinaalam na ikina-turn off ng press ang ipinangakong di niya iiwan si Leo at gagayahin niya si Richard Gomez na hanggang ngayon, si Douglas Quijano pa rin ang manager. Hindi yun ang nangyarit pangit pay, pera ang pinag-awayan nila ni Leo.
Anyway, masaya si Dion sa pagkakasama sa I Wanna Be Happy dahil marami siyang exposure at mahahaba ang lines. Kasama rin siya sa Season 6 ng Now & Forever (Linlang) sa role ng bellboy ng hotel at may gusto kay Chynna Ortaleza.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended