^

PSN Showbiz

Dating sexy actress, naka- tira na lang sa kariton!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naghanap minsan ng katulong ang isang sikat na aktres. Nagpadala sa kanya ang isang employment agency ng tatlong babae para pagpilian na maging katulong. Ang dalawa ay patpatin kaya kinuha niya ang isa na malusog ang pangangatawan. Nang tingnan ng aktres ang resume ay nabasa niya ang pangalan nito na taga-showbiz. Akala niya ay kapangalan lang ng dating sexy actress pero siya na pala ito.

Naging housemaid niya ang sexy actress at naging labandera. Kapag ito’y naglalaba, ayaw niya (among aktres) itong lapitan dahil naaawa siya. Dati kasi ay malaki ang bahay nito at nakapag-asawa ng maykaya.

"Para siyang may sayad," sey ng among aktres.

Hindi kaya siya nagdroga nun kaya hiniwalayan ng asawa?

Balitang ngayon ay sa kariton na lang ito nakatira sapul nang umalis sa among aktres. Iba na ang trip niya sa buhay.
Korean Telenovelas, Namamahagi Sa ‘Pinas
Gustung-gusto ng manonood ang Jewel in the Palace at naging idolo nila ang bidang babae na si Jang Geum. Ngayon ay maraming Korean telenovela ang ipapamahagi sa iba’t ibang TV stations sa Pilipinas sa pamamagitan ng JRP Power Vision Inc. ni Mr. Richard Chua na dating prodyuser ng Rimar International, artista at nakatulong sa Philippine Movie Producers of the Philippines o PMPPA bilang aktibong miyembro nito.

Nakipag-contract signing sila sa JR Company na pag-aari ni Jeon Bog Real na siyang magdadala ng limang Korean Telenovelas sa bansa na kinabibilangan ng Match Made in Heaven, Guys ‘n Girls, Three Friends, Can’t Take my Eyes Off You at Best Theater.
Walang Time Kay Antoinette
Nakausap namin si Dingdong Dantes sa presscon ng Eternity at excited siya sa pagbabalik-tambalan nila ni Iza Calzado.

"Idolo ko si Superman kaya kung mabubuhay uli ako sa makabagong panahon gusto kong maging super hero," aniya.

Sa kabilang banda loyal ito kay Karylle dahil nang tanungin namin kung magdi-dinner ba silang dalawa ng dating ex-gf na si Antoinette Taus ang sagot niya ay pwede kung marami sila, oras na dumating ng bansa.

"It’s not proper na imbitahan ko siya for dinner nang kaming dalawa lang. Siguro kung group date baka pwede. Isa pa wala akong time dahil hectic ang schedule ko ngayon," aniya.

ANTOINETTE TAUS

BEST THEATER

DINGDONG DANTES

EYES OFF YOU

IZA CALZADO

JANG GEUM

JEON BOG REAL

KOREAN TELENOVELAS

MATCH MADE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with