Sa TV naman ay pinagkatiwalaan siya ng isang soap katambal si Angel Locsin.
Bagaman at may mga nagsasabing sumesemplang na ang career ng action star, sinabi ng taga-GMA na ang palabas nito sa TV, ang Bastat Kasama Kita kapareha ni Judy Ann Santos ay isa sa pinaka-malakas na ginawang serye ng ABS CBN.
Hindi rin pinabulaanan ng GMA ang balitang nilapitan sila ni Annabelle Rama para sana ay huwag nang lumabas ang balita tungkol sa paghahabol sa kanila ng BIR pero, hindi nila ito napagbigyan sapagkat isa yung balita na kinakailangang malaman ng publiko at ang request nito ay huli na sapagkat lumabas na ito sa mga balita. Di raw naman nagalit ang matriarka ng mga Gutierrezes kundi na-upset lamang.
Samantala, masayang maipagdiriwang ng GMA ang pagsapit ng kanilang ika-56 na taon, dahil pangunahin pa rin silang TV Network ng bansa, most awarded TV station pa rin sila na ang latest na recognition ay nakuha nila sa Rotary Club of Manila bilang TV Station of the Year . Nauna na rito ang Terrestrial Channel of the Year Award mula sa Asian TV Awards 2005.
Ipinagmamalaki pa rin ng GMA ang pangyayaring ang QTV11 ay nagsisimula nang kumita. Number three TV station na ito kasunod ang ABSCBN 2 at unti-unti nang lumilinaw ang reception nito sa maraming areas.
Mahigit sa 200,000 Pinoy ang magiging bahagi ng GMA Pinoy TV sa taong ito. Tina-target ng GMA na mailunsad ang Pinoy TV sa US East Coast via cable Canada, UK, Australia at Italy. Sa kasalukuyan, napapanood na ito sa US, Japan, Guam, Saipan, Malaysia at Middle East.
Pinaka-abalang promoter at endorser ng Pinoy TV ngayon ay ang Master Showman na si German Kuya Germs Moreno na halos nasa abroad na palagi sapagkat siya ang hinihiling na makita ng mga Pinoy sa abroad.
Pero, ang mahal mahal na pala ng sinehan ngayon, P350 daw sa mga may 3D screen at Lazy Boy seats, ayoko nga! Pambili na rin ng bigas at ulam yon! Pumayag ako sa Gateway Cinemas na kung saan P160 lang ang tickets pero, may guarenteed seats na at ang lamig-lamig ng sinehan. Ayaw ko lang, paglabas namin nakita ko ang mga kalat sa loob ng sinehan. Sayang, dahil bukas makalawa may daga na run. Bat kasi hindi ipagbawal ang pagkain sa loob ng sinehan? Maglagay na lang ng intermission para people can go to the restrooms o take snacks. Para maging malinis ang paligid.
Dapat bawal din yung mga nakasalampak sa mga labas ng sinehan na kumakain. Nagkakalat din sila at di magandang tingnan. Dapat may nakalaang lugar para sa mga naghihintay ng screenings.
Maganda ang Superman Returns, ika-5th episode na ito ng superhero pero, ito ang may pinakamagandang istorya, sa lahat ng Superman movies na napanood ko, may puso rin.
Na-miss ko si Christopher Reeves dahil magkamukhang-magkamukha sila ni Brandon. Type ko rin si Lois Lane ngayon dahil maganda siya compared to Margot Kidder nun.
Pati grandson ko biglang naging Superman fan. Pagdating ng bahay, nagpakabit ito ng kumot sa likod, dahil siya raw si Superman. I promised him na bibilhan ko siya ng costume ni Superman, saka lang siya natulog.