^

PSN Showbiz

Alicia Mayer, ayaw nang pag-usapan ni Joey Marquez

RATED A - Aster Amoyo -
Matagal-tagal na ring panahong hindi napapanood sa pelikula ang TV host-comedian at dating mayor ng Parañaque na si Joey Marquez kaya natuwa ito nang ialok sa kanya ng Seiko Films ang I Wanna Be Happy na pinangungunahan nina Gloria Romero at Eddie Garcia.

Sa presscon ng I Wanna Be Happy ay tinanong namin si Joey kung bakit sila nag-break ng sexy actress na si Alicia Mayer na naging sweetheart niya sa loob ng mahigit walong buwan.

"Huwag na natin pag-usapan kung ano ang naging dahilan. May mga bagay lamang na hindi nag-work kaya nauwi sa hiwalayan ang aming relasyon," ani Joey. 

Hindi ba sila nahihirapan sa sitwasyon considering na magkasama silang dalawa sa kanilang weekly sitcom na Lagot Ka, Isusumbong kita?

"Hindi naman. We’re civil sa isa’t isa. Sa akin kasi, okey lang. I don’t know with her," dugtong pa ni Joey.

Wala bang plano si Joey na muling mag-asawa o magpakasal muli?

"Hindi na siguro dahil ayaw ng mga anak ko. I have to admit na ang number one priority ko sa ngayon ay ang mga anak (sampu sila) ko. Kung may bago mang babae na dumating sa buhay ko, papangalawa lamang siya dahil mananatiling number one sa akin ang mga anak ko," aniya.

Aminado siya na ang kanyang ina ang kanyang role model sa babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

"Mabait, matiisin, martir, maunawain at marunong umintindi sa sitwasyon ang nanay ko," pagmamalaki pa ni Joey.

"Pero alam ko na mahirap hanapin ang katangian ng nanay ko sa ibang babae dahil mag-isa lang ang nanay ko," deklara niya.

Gusto rin ni Joey na hindi makikipag-kumpetensiya sa kanyang mga anak ang kanyang magiging girlfriend pagdating sa kanyang attention dahil tiyak na matatalo umano ito.

Kumusta na sila ni Jean (Garcia)?

"We’re the best of friends pero hanggang sa pagiging magkaibigan lang kami dahil ayokong masira ang aming friendship kung liligawan ko siya. Ayokong i-compromise ang aming pagkakaibigan," katwiran ng ex-husband ni Alma Moreno.

Panahon pa umano ng Impaktita ni Jean crush na ni Joey ang aktres.

Kumusta naman sila ni Kris (Aquino) ngayon?

"Okey naman kami ni Kris. Nagkita kami sa wedding nina Claudine (Barretto) at Raymart (Santiago)."

Sinabi ni Joey na masaya umano siya para kay Kris dahil alam niyang masaya ito sa piling ni James Yap.

Kung kilala sa pagiging chickboy si Joey ay ayaw naman niyang aminin na babaero ang kanyang panganay na si Jeremy Marquez.

"Let’s put it this way, malapit lang sa mga babae ang anak ko. Hindi siya babaero," natatawang sangga ni Joey.

Binibigyan ba ni Joey si Jeremy ng advise pagdating sa pagha-handle ng babae?

"I want him to be a responsible gentleman.  Kapag nabuntis niya ang isang babae, kailangan niya itong suportahan," ani Joey.

Kumusta na sila ni Benjie Paras ngayon?

"Okey na kami.  Kapwa kami nagkapatawaran. Ang ayaw ko lang talaga ay ginagawang joke ang mga naging ex-girlfriends ko dahil nire-respeto ko sila. E, nag-overboard siya. Pero okey na kami, balik na sa dati ang aming samahan."

Gaano katotoo ang balita na nagkagusto rin umano si Jeremy sa ex-girlfriend niyang si Alicia Mayer?

"Siyempre iba ang original at pirate. Hindi mo puwedeng pagkumparahin ang ipil-ipil sa narra," natatawa niyang tugon.

Matapos masubukan ni Joey ang pulitika, ayaw na umano niya itong balikan pa. Tama na raw ang ilang taon niyang inilagi sa public service. 
* * *
Sina Paolo Paraiso at Mura ang mga ispesyal na panauhin sa Bahay Mo Ba ‘To bukas ng gabi. Gaganap si Paolo bilang isang guwapo, mayaman ngunit pipi na silent admirer ni Dorothy (Sunshine Dizon) habang si Mura naman ay gaganap na si Clinton na tauhan ni Ricardo.

Ang Bahay Mo Ba ‘To ay tinatampukan din nina Gladys Reyes, Keempee de Leon, Francine Prieto, Dino Guevarra, Sherilyn Reyes, Mike ‘Pekto’ Nacua, Tiya Pusit at iba pa mula sa direksiyon ni Al Quinn.
* * *
Personal:  Belated birthday greetings sa aking kapatid na si Meriam Amoyo na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon, July 2. Kaarawan din kahapon ng dating First Lady na si Madam Imelda Romualdez-Marcos.

E-mail: [email protected]

vuukle comment

AL QUINN

ALICIA MAYER

ALMA MORENO

I WANNA BE HAPPY

JOEY

KUMUSTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with