Retokado mula ulo hanggang paa!

Hindi namin alam kung nagbibiro ang isang taga-showbiz nang sabihin nito na ang isang sikat na aktres ay retokada mula ulo hanggang paa. "Baka hanggang puwet lang," sey ng isang kaibigan nito.

Hindi raw mapakali ang sikat na aktres kapag walang pinagagalaw sa mukha-mula sa mata, ilong, baba, dibdib, beywang at puwet. Maganda naman ang aktres kaya lang trip niya ang laging magparetoke.
Pauleen, Di Pa Handang Magpa-Sexy
Inamin ni Pauleen Luna sa presscon ng White Lady na masayang-masaya siya ngayong nasa GMA na. Open arms siyang tinanggap dito at naging at home agad siya.

Sinabi nito na hindi pa siya handa sa mga sexy pictorials at maging cover ng men’s magazine.

"Tita, I’m only seventeen hindi pa ako ready. Di ko naman kailangang gawin ito bilang career move. Di pa rin ako handa sa daring roles, basta’t pinagbubutihan ko lang ang aking trabaho," aniya.

Nakakontrata si Pauleen sa Regal for 12 pictures.

Inamin nitong naging puppy love sila ni JC de Vera at six months silang naging mag-MU. Ito yung panahong nasa GMA si JC at nasa Dos naman siya.
May Puso Ang Maaksyong Pelikula
Bilang first-timer na director, masasabing maganda ang pagkakagawa ng pelikulang Batas Militar ni Direk Jess Lapid Jr. Malinaw ang mga shots sa underwater fight scenes at napagalaw nito ang lahat ng karakter sa pelikula.

Ang galing ni Mark Anthony Fernandez pero hindi nito nagawang lamunin si Gov. Mark Lapid sa kanilang confrontion scene. Napa-arte rin nito si Tanya Garcia. Lahat ng kontrabida (Dick Israel, Roi Vinzon at Jeffrey Santos) ay pantay-pantay ang mga role at walang nagsilbing dekorasyon lamang.

Kung mapapanood ang pelikula ay iisipin mo na hindi directorial debut ito ni Direk Jess Lapid Jr. dahil pulido ang trabaho niya sa Batas Militar. Hindi nasayang ang pagpupuyat nila sa syuting, brainstorming session halos gabi-gabi ng mga artista at staff para lang mapaganda ang maaksyong pelikula na may puso. Tiyak na aantig ito sa damdamin ng mga manonood.

Show comments