^

PSN Showbiz

Rustom, matali kaya sa bading role?

-
Natuloy din ang paglabas ni Rustom Padilla sa bakuran ng Regal Films. Matapos hayagan niyang ipinagtapat sa buong Pilipinas ang tunay niyang pagkatao (or gender preferences) ay kinontak siya ni Mother Lily for a movie project tungkol sa kabadingan. Walang nangyari sa negosasyon dahil di umano’y mahal ang presyong sinisingil ni Rustom sa paglabas niya bilang gay in the said project.

Alam n’yo naman si Mother. Whatever she wants, she gets. Sa Zsa Zsa Zaturnnah ay kabilang sa cast si Rustom and yes na yes, ang bading na si Ada ang role na gagampanan niya. Apparently, hindi na naging problema ang presyo.

Pero ano bang klaseng bading si Ada? Isa siyang gay parlorista na hindi kasing loudmouth tulad ng karakter ni Didi na napunta naman kay Chocoleit. At any rate, sinabi ni Rustom na it doesn’t matter kung anumang uri ng bading role ang assigned sa kanya. "When i said yes to the project, I will give my one hundred percent involvement. Kung ano ang gusto ni Direk Joel Lamangan ay susundin ko."

Worried kami sa isang bagay. Matatali na kaya si Rustom sa mga bading roles after Zsa Zsa Zaturnnah na ginagampanan ni Zsazsa Padilla? Hindi siya lumilipad but she leaps tulad ni Spiderman. Isa lamang ito sa mga entries ni Mother Lily for the December Metro Manila Film Festival.

Sa special effects na lamang at fabulous sets at costumes ay malaki ang magagasta ng Regal. Walang problema kay Mother basta’t masiyahan lang ang mga manonood.

Incidentally, super sexy ang mga outfits na isusuot nina ZsaZsa Padilla at Pops Fernandez sa Zsa Zsa Zaturnnah. Very revealing at futuristic. Ano kaya ang magiging reaksyon ni Mang Dolphy at Martin Nievera? – REMY UMEREZ

ADA

DECEMBER METRO MANILA FILM FESTIVAL

DIREK JOEL LAMANGAN

ISA

MANG DOLPHY

MARTIN NIEVERA

MOTHER LILY

POPS FERNANDEZ

RUSTOM

ZSA ZSA ZATURNNAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with