Kwento mismo sa amin ng taga-GMA7 ay dismayado ang staff ng programa kay Donita dahil simula raw nung siya ang nag-drive sa malaking van ng Mobile Kusina ay nadiskaril ito dahil nag-single digit sa rating tulad ng 6, 7 o 8% unlike nung si Christine pa na parating two digits tulad ng 11, 12 o 13% sa maagang oras.
Dagdag pa na ito rin daw ang dahilan kung bakit ang mga sumusunod na programa sa Mobile Kusina every Friday ay semplang din sa ratings dahil nga domino effect daw.
At dahil na-preempt namin ang isyung ito, tiyak na ang palulutangin ng Siete ay talagang hanggang one season lang si Donita Rose sa MB. What else is new with GMA7?
Kinumpirma naman ni Vina na truliling nakakatanggap siya ng bulaklak weekly from someone na hindi pa niya nakikita in her entire life at ni hindi nga raw niya kilala kaya naloloka raw siya.
"Ang tiyagang magpadala ng bulaklak at talagang ang lalaki at ang gaganda, mga favorite colors ko pa ang flowers at alam niya kung ano ang paborito ko, huh? Kaya lang hindi ko siya kilala, so anong gagawin ko?
"Niloloko nga ako nina Zsazsa (Padilla) kasi sila yung nakakakita at hinihingi yung flowers, e, ayoko namang ibigay.
"Sana magpakilala siya at magpakita kasi hindi ko siya talaga ie-entertain kung hindi siya magpakilala," esplika ng aktres na tinaguriang Showgirl.
Ask namin kung totoong nasa P20,000 ang halaga ng floral arrangement at say ni Vina, "Siguro nasa 15 lang, pero sobrang malalaki talaga."
Say namin kung ano naman ang laman ng cards sa bawat floral arrangement na dumarating, "Kung anu-ano, para siyang bata, minsan nonsense, parang nagpapa-cute, e, hindi ko na kailangan ng pa-cute no?"
Samantala, as early as today ay ninenerbyos na si Vina dahil August na ang dream concert niyang Showgirl sa Araneta Coliseum. Ayon mismo sa magaling na singer actress ay hinding-hindi magsisisi ang manonood dahil 4 concepts ito, catering to all audiences na hindi dapat palampasin. REGGEE BONOAN