Alam ni Dingdong na darating si Toni pero, hindi alam na next week na ito. "Welcome back" lang daw ang masasabi niya pag silay nagkita. Bilang respeto kay K, wala siyang balak na makipagkita sa kanyang ex.
"I wont go out my way to actually see her. Pero, tiyak na magkikita kamit maliit ang mundo natin. Hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari at kung magkaka-tension dahil di pa naman nangyayari. Hindi ko alam ang feeling ni K dahil di namin napag-uusapan," sabi ni Dingdong.
Hindi rin masagot ni Dingdong kung posible silang tumanggap ni K ng project with Toni. Irerespeto raw niya anuman ang maging desisyon ng girlfriend. Hindi rin niya mapipigil ang GMA-7 kung ibalik si Toni sa SOP na dati nitong nilalabasan noong nandito pa.
Kita rin naming ngumiti si Dingdong nang matapos ang Toni questions at mabaling sa movie nila ni Iza ang tanungan.
Lagi ring bitbit ng mag-asawa si Bohdana Yoomce, ang seven-month old baby nila. Bilib kami kay Harlene sa pag-iisip ng unique (at mahihirap) na pangalan ng kanyang mga anak. Ang panganay niyay si Abijah Gabriel (8 years old), sumunod si Zeke Silestine (5 years old) na parehong kasama sa pelikula.
For a digital movie, malaki ang cast ng Umaaraw, Umuulan dahil bukod kina Herbert Bautista, Lara Quigaman at Ryan Agoncillo, narito rin sina Mariel Rodriguez at Chanda Romero. May special participation sina Judy Ann Santos, Yayo Aguila, Toby Alejar, Hero Bautista, Ramon Christopher, Susan Henson, Jeffrey Tam, Berting Labra, Yda Yanesa at William Martinez. Richard Arellano directs from the script of Adolf Felix, Jr.