^

PSN Showbiz

‘Welcome back’ lang ang sasabihin ni Dingdong kay Antoinette!

-
Napansin naming huminga muna nang malalim si Dingdong Dantes bago sumabak sa interview sa press na bumisita sa shooting ng Eternity nila ni Iza Calzado. Alam nitong mapo-focus kay Antoinette Taus ang mga tanong dahil darating sa July 5 ang ex-girlfriend. Mga tanong gaya nang makikipagkita ba siya kay Toni, kung may dapat bang pagselosan si Karylle at kung payag silang magsama-samang tatlo sa isang project? No choice ito kundi sumagot at idaan sa ngiti ang lahat.

Alam ni Dingdong na darating si Toni pero, hindi alam na next week na ito. "Welcome back" lang daw ang masasabi niya ‘pag sila’y nagkita. Bilang respeto kay K, wala siyang balak na makipagkita sa kanyang ex.

"I won’t go out my way to actually see her. Pero, tiyak na magkikita kami’t maliit ang mundo natin. Hindi natin malalaman kung ano ang mangyayari at kung magkaka-tension dahil ‘di pa naman nangyayari. Hindi ko alam ang feeling ni K dahil ‘di namin napag-uusapan," sabi ni Dingdong.

Hindi rin masagot ni Dingdong kung posible silang tumanggap ni K ng project with Toni. Irerespeto raw niya anuman ang maging desisyon ng girlfriend. Hindi rin niya mapipigil ang GMA-7 kung ibalik si Toni sa SOP na dati nitong nilalabasan noong nandito pa.

Kita rin naming ngumiti si Dingdong nang matapos ang Toni questions at mabaling sa movie nila ni Iza ang tanungan.
* * *
Hands-on ang mag-asawang Harlene Bautista at Romnick Sarmenta sa pag-aasikaso sa August 9 showing ng Umaaraw, Umuulan. Always present sila tuwing may press visit at presscon ang digital movie ng kanilang Heaven’s Best Entertainment. Si Harlene ang Executive Producer at Supervising Producer naman si Romnick. Naurong ang showing ng movie sa desisyon ng SM para raw mai-promote pa ito ng husto na ikinatuwa nina Harlene.

Lagi ring bitbit ng mag-asawa si Bohdana Yoomce, ang seven-month old baby nila. Bilib kami kay Harlene sa pag-iisip ng unique (at mahihirap) na pangalan ng kanyang mga anak. Ang panganay niya’y si Abijah Gabriel (8 years old), sumunod si Zeke Silestine (5 years old) na parehong kasama sa pelikula.

For a digital movie, malaki ang cast ng Umaaraw, Umuulan dahil bukod kina Herbert Bautista, Lara Quigaman at Ryan Agoncillo, narito rin sina Mariel Rodriguez at Chanda Romero. May special participation sina Judy Ann Santos, Yayo Aguila, Toby Alejar, Hero Bautista, Ramon Christopher, Susan Henson, Jeffrey Tam, Berting Labra, Yda Yanesa at William Martinez. Richard Arellano directs from the script of Adolf Felix, Jr.
* * *
Buong pusong tatanggapin ni Angelica Panganiban na tawagin siyang Princess of Horror Movies ‘pag ipinalabas ang White Lady dahil effective siyang multo. Lalong gumanda ang pelikula sa special effects at ang ganda ng eksena nang biglang maging daga ang young actress. After this movie, type uli ni Angelica na gumawa ng horror movie kahit may prosthetics pa dahil nag-enjoy siya. — NITZ MIRALLES

ABIJAH GABRIEL

ADOLF FELIX

ALAM

ANGELICA PANGANIBAN

ANTOINETTE TAUS

BERTING LABRA

BEST ENTERTAINMENT

BOHDANA YOOMCE

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with