Ang veteran at award-winning actress na si
Gloria Romero ay nagsi-celebrate ng kanyang ika-56 taon sa showbiz sa taong ito. Taong 1950 nang siyay unang pumasok sa showbiz at nauna lamang sa kanya ng isang taon si
Eddie Garcia na 57 years naman na sa industriya. Pareho rin silang naging contract stars ng
Sampaguita. Nagkakasama man sila sa pelikula, never silang magka-love interest dahil parating kontrabida ang papel ni Eddie. Pero pagkaraan ng 34 na taon, si Eddie ang nagdirek kay Gloria sa pelikulang
Saan Nagtatago Ang Pag-ibig na siyang nakapagbigay kay Gloria ng best supporting actress trophy mula sa
Star Awards for Movies ng
PMPC. Muli siyang tinanghal na best supporting actress para sa pelikulang
Nagbabagang Luha na dinirek naman ng yumaong si
Ishmael Bernal. Pagkaraan ng ilang taon ay tatlong best actress award naman ang kanyang nakuha para sa pelikulang
Tanging Yaman mula sa
FAMAS, FAP at
MFF. Two years ago ay nasungkit naman niya ang best supporting actress trophy para sa pelikulang
Magnifico na dinirek ni
Maryo J. de los Reyes. Unang nakakuha ng best actress award si Gloria mula sa
FAMAS para sa pelikulang
Dalagang Ilokana.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa loob ng mahigit limang dekada ay magtakambal nina Gloria at Eddie sa pelikulang
I Wanna Be Happy mula sa panulat at direksiyon ni
Joey Javier Reyes sa ilalim ng
Seiko Films. Palibhasay matagal na silang magkatrabaho sa pelikula, kabisado na nila ang isat isa. Puring-puri din ni Eddie si Gloria sa pagiging professional sa trabaho at mahusay na aktres.
Ikinuwento sa amin ni Gloria na enjoy umano sila habang ginagawa nila ang pelikula. Hindi umano sila nagkaroon ng problema at lahat ng bumubuo ng cast ay professional sa kanilang trabaho.
I Wanna Be Happy ang kauna-unahang film project ng ex-
PBB-Celebrity Edition big winner na si
Keanna Reeves na nasa pangangalaga ngayon ni
Boy Abunda ng
Backroom, Inc. May flair sa pagiging isang natural na komedyana si Keanna nang mapanood namin ang pelikula sa MY Cinema sa Greenbelt.
Kung noon ay napakababa ng tingin ng tao kay Keanna matapos nitong aminin in public ang kanyang pagiging isang escort girl, nabago naman ang lahat matapos siyang grumadweyt sa
Pinoy Big Brother (Celebrity Edition) kung saan nakuha niya ang paghanga at simpatiya ng publiko kaya siya ang nanalong Big Winner sa nasabing reality-based program.
Kung nabigyan ng panibagong chance sa kanyang career si Keanna dapat na itoy kanyang pangalagaan at mahalin dahil malayong mangyari pa itong muli. Napabalita kasi na nagiging unprofessional umano si Keanna sa kanyang trabaho.