Ang concern ni Mark ay ang loveteam nila ni Jennylyn. Sana raw di ito masira. Tumatakbo pa ang I Luv NY na aabot ng 18 weeks. Tinatapos din nila ang pelikulang Eternity sa Regal with Iza Calzado and Dingdong Dantes. Kundi mababago ang cast, sila rin ni Jennylyn ang bida sa Super Noypi, entry ng MaQ sa Metro Manila Film Festival.
Sa tsikang nahihirapan ang writer ng soap na lagyan ng more kilig scenes ang kanilang mga eksena dahil halata ang coldness nila, sabi ni Mark, ginagawa niya ang kanyang trabaho. Nang tanungin si Jennylyn tungkol dito, ang sagot ay akala lang daw ng tao yun pero, sumusunod din siya sa script. Naku, baka ang maging ending nitoy si direk Louie Ignacio ang may kasalanan sa kanilang pagtuturuan. Nitz Miralles