^

PSN Showbiz

Mark, no comment sa isyung Jennylyn/Patrick

-
Umiiwas mag-comment ni Mark Herras sa pagkaka-link ni Jennylyn Mercado kina Patrick Garcia at Jeremy Marquez at baka masabihang nangingialam siya. Gawin daw ng dalaga kung saan siya masaya. Pero, ‘di raw totoong kaya nagti-text siya kay Nicole Anderson at sa ibang girls ng SOP Gigsters ay para makaganti sa kapareha.

Ang concern ni Mark ay ang loveteam nila ni Jennylyn. Sana raw ‘di ito masira.’ Tumatakbo pa ang I Luv NY na aabot ng 18 weeks. Tinatapos din nila ang pelikulang Eternity sa Regal with Iza Calzado and Dingdong Dantes. Kundi mababago ang cast, sila rin ni Jennylyn ang bida sa Super Noypi, entry ng MaQ sa Metro Manila Film Festival.

Sa tsikang nahihirapan ang writer ng soap na lagyan ng more kilig scenes ang kanilang mga eksena dahil halata ang coldness nila, sabi ni Mark, ginagawa niya ang kanyang trabaho. Nang tanungin si Jennylyn tungkol dito, ang sagot ay akala lang daw ng tao ‘yun pero, sumusunod din siya sa script. Naku, baka ang maging ending nito’y si direk Louie Ignacio ang may kasalanan sa kanilang pagtuturuan. — Nitz Miralles

DINGDONG DANTES

I LUV

IZA CALZADO

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JEREMY MARQUEZ

LOUIE IGNACIO

MARK HERRAS

METRO MANILA FILM FESTIVAL

NICOLE ANDERSON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with