Richard/Lucy, hindi na finale sa Bench kundi sina Kris/James na?

Ang daming gustong manood ng Bench fashion show dahil sangkaterbang malalaking artista ang ka-join at minsan lang mangyari ‘yun sa isang showbiz event.

Samantala, gaano katotoo na hindi na raw ang mag-asawang Richard Gomez at Lucy Torres-Gomez ang finale sa show tulad sa nakagawian na kundi sina James Yap at Kris Aquino-Yap na?

Dagdag tsika rin na second to the last din sa finale ang dalawang nagpadagdag ng butt na sina John Estrada at Keanna Reeves courtesy of Belo Medical Clinic.
* * *
Hindi pa namin nakikita ng personal si Yexel, ang member ng SOP Boys na naging boyfriend ng Sexbomb na si Rochelle Pangilinan na boyfriend naman daw ngayon ni Starstruck runner-up Iwa Moto. Ipinagtataka ko kung bakit pinag-aagawan siya ng mga babae dahil bukod pa sa dalawang pangalang nabanggit ay may mga starlet ding nauugnay sa kanya.

Ang ikinagulat ko ay galit din daw sa kanya ang director ng SOP na si Louie Ignacio na kaya raw nawala ang SOP Boys sa nabanggit na programa.

Inamin daw ito ng isa sa myembro ng SOP Boys named Edz sa isang supporter nila nung nag-show sila sa Zirkoh na nalulungkot sila sa pagkawala nila sa SOP dahil nga nadamay sila sa galit ni direk Louie kay Yexel.

Dagdag din ng ilang staff ng GMA 7, "Mayabang naman kasi si Yexel kaya nairita na si direk Louie sa kanya, nali-late din kasing dumating sa call time, tapos hindi sumusunod sa mga pinagagawa minsan, nadamay ‘yung buong grupo."

Anyway, if ever na sina Iwa at Yexel na nga ngayon, bagay sila dahil pareho silang pasaway.

"Ewan ko nga rito kay Rochelle kung bakit hindi makalimutan si Yexel," sundot uli sa amin ng taga-Siete.
* * *
Nagtataka kami kung bakit maraming nagagalit sa isang young singer/actress na pawang executive ng kilalang network gayung produkto naman nila ito.

Naikwento sa amin ng staff ng kilalang network na concerned sa young singer/actress na tinitira raw ng mga executive ang sarili nilang produkto sa hindi malamang dahilan.

Kung anu-anong negative write-ups ngayon ang naglalabasan tungkol sa young singer/actress na ikinatataka rin ng mga taong malapit sa kanya, maging ang ilang staff ng kilalang network na kilala rin siya na pawang hindi totoo, pero mismong executive ng network ang nagkukuwento ng kung anu-ano.

At ang nakakaloka pa, pawang below the belt ang isyu na nangyari pa raw sa ibang bansa, bagay na hindi naman maintindihan din ng ilang nakasama ng young singer/actress dahil wala naman daw ganung pangyayari.

Duda ng staff ng network na concerned kay young singer/actress ay "Black propaganda" ito dahil maski na anong gawing paninira ay nanatiling number one pa rin ito sa survey among talents ng kilalang network.

Dagdag pa, "Baka naman gusto siyang sulutin na sa kanyang manager kasi aminin mo, malakas pa rin ang lola (name ng young singer/actress) mo."

Naawa lang kami sa young singer/actress dahil maski yung ibang managers na dating kakampi niya ay nasulsulan na rin ng nabanggit na executive na naninira sa kanya, mabuti na lang at ipinagtatanggol siya ng isa ring kilalang executive na naniniwala sa young singer/actress na wala itong ginagawang milagro. — Reggee Bonoan

Show comments