Para maging maayos at mabilis ang takbo ng pelikula, ginawan ni Direk Jeff ng isang storyboard ang script nina Don Michael Perez at Joel Rufino Nunez na nagtataglay ng 500 pahina!
"Ginagawan lamang ng direktor ng storyboard ang mga eksenang nangangailangan ng special effects. First time na inilagay sa papel o ginawan ng biswal ng isang direktor ang mga gusto niyang mangyari sa lahat niyang eksena," ani Roselle.
Naging matapat naman ang Direk Jeff sa kanyang mga eksena pero, ni minsan ay di nawala sa isip nito ang anggulo ng love story sa kabila ng nakapaninindig balahibong mga eksena.
Tampok sa pelikula si Angelica Panganiban bilang White Lady. Isang patay na bumalik para maghiganti sa mga taong umapi sa kanya. Isa siyang outcast sa isang iskwelahan na naging bahagi ng love triangle nina Pauleen Luna at JC de Vera nung nabubuhay pa siya.
"Iniutos ni Direk na maghalikan kami ni JC ng more than 20 times dahil isa itong huge turning point ng movie. Gusto pa niyang passionate ito kaya inabot ng ganito karaming takes, yung first 19 takes kasi ay di siya nagandahan," pagku-kwento ni Pauleen.
May bagong album ang Freestyle mula sa Viva Records. Pinamagatang Freestyle Live@19 East, unang recording ito ng grupo kasama ang mga bagong myembro.
Lahat ng kantang kasama ay kinanta nila sa kanilang gig sa 19 East. Carrier single ang "Half Crazy" na inawit ni Joshua. Magkakaron ng grand launch ang album sa Hulyo 21, 8:30 NG sa Music Hall ng SM Mall of Asia.
veronica@ philstar.net.ph