Kristine Hermosa, nag-inarte nang bumili ng cellphone

Enjoy panoorin ang I Wanna Be Happy. Matatawa ka talaga. It was fun, really. Simple lang ang story tungkol sa mag-asawang kung kailan magsi-celebrate ng kanilang golden anniversary, saka pa naman sila nagka-problema (Eddie Garcia and Gloria Romero). Siyempre, ang tatlong anak ang naging aligaga (Joey Marquez, Cherry Pie Picache and Diana Zubiri) kasi two months na lang nga, anniversary na ng parents nila at naka-ready na sila para sa isang malaking party.

Pero biglang nagluka-lukahan ang kanilang nanay (GR) at lumayas ng kanilang bahay dahil nasawa na sa sobrang sungit ng kanyang asawa (EG).

So ang tatlong anak ang natataranta para ayusin ang gulo ng kanilang magulang. Pero silang tatlo rin ay may kanya-kanyang problema na kailangang i-solve.

Si Joey (eldest) na isang dentist, balo na agad. Ayaw pang mag-asawa pero may dalawang nagbibinatang anak.

Si Cherry Pie, nambababae ang asawa (Christian Vasquez) at si Diana Zubiri na confused kung gustong mag-asawa pero may live in partner, si Alfred Vargas.

Pero pinipilit ng tatlong anak na mag-bridge pero wala ngang nangyari at nagkanya-kanya sila (mag-asawa) ng buhay. Si EG, nambabae at si GR, nagbuhay dalaga kasama ang kanyang kaibigang kababalo rin lang. At ibinenta niya ang lupang minana niya sa kanyang lolo na ginagastos niya sa pagbubuhay dalaga.

May originality ang kuwento infairness at kapuri-puri lahat ng artista. Special mention to Keanna Reeves na small lang ang role as hostess na ibinahay sandali ni Eddie Garcia, pero super natural ang portrayal niya. Walang ka-effort-effort.

Agaw-eksena si Keanna kung tutuusin samantalang special participation lang naman talaga siya. Tuwang-tuwa nga sa kanya ang beteranong actor na si Tommy Abuel. "Nakakatuwa talaga siya," susog ni Mr. Abuel.

Si Ms. Susan Roces ang original choice for the role na napunta kay Ms. Gloria Romero pero nagkaroon nga ng problema sa talent fee kaya hindi natuloy.

Hindi kaya nanghinayang si Ms. Susan?

Kaya lang parang dapat munang mamahinga sina Cherry Pie Picache and Christian Vasquez as husband and wife sa movie dahil kapapanood ko pa lang sa kanila bilang couple sa Manay Po, tapos ito na naman.

May kilig factor sina Diana and Alfred. Bagay silang dalawa.

At si Joey Marquez, hindi comedy sa pelikula. He’s a bit serious actor I Wanna Be Happy.

Si Joey Reyes ang nag-direk ng movie under Seiko Films. Showing ang movie next week.

Sana naman kumita rin ito. Sayang naman kasi kung palalampasin n’yong panoorin.

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikula.
* * *
Imbyernang-imbyerna ang new found friend ko kay Kristine Hermosa. Ang rason, nang dumayo raw ito sa Greenhills para bumili ng brand new cellphone instead na bumaba at mamili ng gusto niyang unit ng phone, ang yaya or personal assistant daw yata ang pinapunta sa tindahan ng cellphone at kinausap ang tindera na kung puwedeng magdala siya ng mga bagong model ng unit ng cellphone nilang tinda para pagpilian ng kanyang among aktres na sagad daw ang kaartehan.

So si gagang tindera palibhasa narinig ang pangalan ng actress, sumama sa yaya or PA ng actress sa kotse nito. Namili naman daw pero ang nakakaloka after na nahahawakan ang mga unit, parang diring-diri daw ang actress at panay ang paabot ng alcohol para mawala ang germs kuno-kuno sa hinawakan niya. Nagkataon lang naman na cousin ng friend ko ang may-ari ng cellphone store na inarte-artehan ng actress, kaya ayon na-tsismis tuloy siya.

Hay naku, over daw ang kaartehan ng actress na ito na open na ang relasyon kay Diether Ocampo. Sana nag-utos na lang siya. Nag-search muna siya sa internet ng gusto niyang unit saka niya ipinabili sa assistant or yaya niya. Hindi ‘yung aarte-arte siya pagdating sa Greenhills.
* * *
To the rescue ang ilang showbiz authority sa comment ng iilan na si Jericho Rosales ang rason kaya hindi gaanong kumita ang Pacquiao The Movie. Ang feeling ng ilang taga-showbiz, hindi lang masyadong nagustuhan ng boxing fanatics ang nasabing movie dahil naging ma-drama ang approach ni Direk Joel Lamangan. Hindi mo raw mararamdaman na boxing movie ito dahil instead na bakbakan ang mangyari, lumabas na mas marami ang iyakan.

"No doubt na maganda ang movie pero iba ang gusto ng maraming fans ni Manny. ‘Yung bakbakan talaga. ‘Yung tipong mga Rocky (movie starring Sylvester Stallone) na talagang tumitilapon ang mukha sa suntok with matching blood. Pero walang masyadong ganun," say ng isang showbiz authority.

Disadvantage din ng movie na hindi ipinahiram ni Mr. Wilson Tieng ang tapes ng mga actual fights ni Manny.

In a nutshell, hindi daw dapat sisihin si Jericho na karma niya ito dahil nilayasan niya ang ABS-CBN. In fact, malamang nga raw na maraming matanggap na award si Jericho sa pelikulang ito.

* * *

Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments