Pero hindi sila nakaligtas sa pagkilatis sa launching ng kanilang album kamakailan. Tinanong sila kung nagda-drugs sila, hindi dahil sa mukha silang gumagamit kundi dahil maiwasang hindi ikonek ang drugs sa mga nagba-banda.
Diing itinanggi ng guitarist ng Rugis na si Pat Tirano na siya ring producer ng album. Hindi raw niya ito papayagan at fun lang ang kanilang trip.
Si Pat ay 23 yrs. old at the same time ay isang sound engineer sa Wombworks Recording na graduate ng Legal Management sa DLSU.
Sa ganda at rewarding ng trabaho ni Pat, hindi na niya kailangan ng extra job bukod pa sa solo na siyang naninirahan sa bansa dahil nasa Japan na ang mga magulang nito. Bonus na lang para kay Pat ang pagsali sa banda dahil hilig niya ito. Sa limang member, bukod tanging si Pat lang hindi tubong Quezon Province.
Bukod sa pagpo-produce ay nagsusulat din siya ng kanta na kasama sa kanilang album na pinamagatang "Pagtatalo".
Pusong makata naman ang kanilang vocalist na si JR de Rosas na isang undergrad sa kursong Geodetic Engineering sa Quezon na tumigil sa kanyang pag-aaral dahil sa pagbabanda. Marami tuloy ang nanghinayang sa kanya dahil bukod sa isang taon na lang ay graduate na siya, ang kuya niyang nagpapaaral sa kanya ay sa US pa nagtatrabaho.
"May blessing naman po ako ng nanay ko dahil baka raw i-regret ko ang hindi ko pagsali sa banda balang-araw. Promise ko sa tatay ko na magtatapos ako," sabi ni JR. Ang iba pang astig ng Rugis ay sina Kent Zoleta (bass), Gerard "Bonggo" Baylon (guitar), at Wendel Erezo (drums). Tipong rock ballad ang music ng grupo na ang title ng kanilang album ay "A Story To Tell" na may 14 original tracks na ang carrier single ay "Silid". Ang kanilang album ay naglalaman ng kwento ng kani-kanilang buhay, problema, hilig nila sa "girls" at sa walang katapusan nilang ideas na gusto nilang i-share sa kanilang mga listeners.
Makakasama ang Rugis sa TeatRock concert tampok ang Stonefree, 6 Cyclemind, Hale, Spongecola at Pupil sa CCP Open Grounds sa July 15.
Sapat na sa grupo ang mahulog sa kanilang charm ang mga men at makapagpasaya sa tao sa pamamagitan ng masasaya nilang kanta tulad ng "Gasolina," "Ging Gang Golly," "Kuryente," "Oh Babe," "Mapouka," "Limbo Dance," "Sohniye," at "La Banana" na release ng Galaxy Records.
Mabenta ang Go Girls sa kanilang song-and-dance act na binubuo ng 16 females. Hindi lang daw sila beauties kundi with brains and with special talents din ang kanilang ipinagmamalaki kung kaya madalas maimbitahan ang kanilang grupo.