Cassandra Ponti, feeling sikat na!

Nagkasakit daw no’ng minsan ‘yung isang TV host kaya bigla-bigla raw naghagilap ng papalit sa kanya ng isang araw. So call daw sa maraming TV personality ang EP ng programa para pakiusapan kung puwedeng mag-replace kahit isang araw. Kaso wala raw naipakasamang mabuti ang EP at TV host na ito kaya ang ending, lahat daw ng tinawagan niya, NO ang answer.

Mismong ang isang malapit sa TV host ang nag-leak ng kwentong ito.
* * *
Local version ni Nora Jones ang description ng fans kay Lovi (Poe) sa internet. Ala-Nora Jones daw ito kung kumanta. Ang difference lang nila, hindi country singer si Lovi, pop ballad ang forte nito.

Last week, formal nang na-launch ang debut album ni Lovi na "The Best In My Heart" na ang carrier ay "I Love You." Bongga ang launching na ginanap sa Grand Ballroom ng Crowne Plaza. Since ang laki ng venue, may nanggu-goodtime na baka darating ang mga taga-opposition kaya gano’n kalaki ang naka-ready na venue.

Anyway, sayang at hindi namin naitanong kay Lovi ang tungkol sa kanila ni Fred ng Pinoy Big Brother Teen Edition. Sinabi kasi noon ni Fred na special friend niya si Lovi at kahit noon pa ay alam na niyang anak ito ni Fernando Poe Jr.

Kasa-kasama rin daw siya noon ni Lovi sa wake ni FPJ.

At nang tanungin si Fred kung gf niya si Lovi, ngiti lang ang sinagot nito at sinabing wala pa siyang nagiging gf, ka-MU lang.

Going back to Lovi, although may mga nagri-react na kesyo bakit nag-no. 1 agad sa ilang FM stations ang carrier single niyang "I Love You," no reaction si Lovi.

First time kasing nangyari na naka-dominate ang isang OPM artist na new pa sa music industry kaya may mga tumataas ang kilay.
* * *
"Ha!" lang ang reaction ko sa sumbong ng isang vaklah na may yabang factor na ang PBB star na si Cassandra Ponti. Aba, feeling sikat na raw ang girlilet na ito na kung hindi pa sumali sa PBB ng ABS-CBN ay hindi makikilala ng madla.

"Akala niya yata, sikat na siya. Kung umasta ateng, feeling sikat na," say ng vaklah na madalas makasama si Cassandra.

Hay naku iha, nag-uumpisa ka lang ng career mo. Wa munang arte sa katawan.

Pero napansin n’yo ba, parang bagay siyang maging round girl sa Mano-A-Mano (ang Pacquiao-Larios fight) na kino-commercial. Di na sana nag-search ang ABS-CBN ng round girl. Inilagay na lang sana nila si Cass as round girl. At least makakapagmalaki si Cassandra na napanood siya sa buong mundo dahil palabas ang nasabing fight na marami ang nag-aabang hindi lang sa bansa kundi sa maraming bahagi ng mundo sa July 2.
* * *
All smile si Mr. Jackie Atienza, Film Development Council of the Philippines (FDCP) chairman at Ms. Christine Dayrit, Cinema Evaluation Board (CEB) chairman dahil approved na ng Malacañang ang P25-million Film Fund para sa mga maliliit na movie producer na gustong gumawa ng pelikula pero kapos sa capital.

Actually, the last time na nakausap ko si Mr. Atienza, ayaw muna niyang ipa-announce pero last week ay pormal nang na-inform ang kanyang tanggapan ng Department of Budget.

Ang National Artist and CEB member na si Mr. Eddie Romero ang head ng selection committee kung aling film outfit ang karapat-dapat na tulungan upang ma-grant ang hinihiram na budget para sa isang pelikula.

Para makasiguro na mapupunta ang pera sa paggawa ng pelikula, may monitoring team na binuo ang FDCP sa pangunguna ni Digna Santiago.

"Malaking tulong ito para sa ating industriya," say ni Mr. Atienza.
* * *
Nagi-enjoy ang isang friend ko sa panonood ng Koreanovelang My Girl. Cute daw kasi ng story at ang gwapo ng bida.

Nakakalibang daw panoorin at dahil 30-minutes lang itong napapanood sa ABS-CBN, parang bitin siya sa panonood.

Actually, true, no’ng minsang mapanood ko, cutie nga ang bida at parang nakakakilig ang kwento.
* * *
Isang online reader ang nagkwento na hindi naman lahat ng Pinoy concert sa Amerika ay di kumikita. Say ni Jen Bartolome ng Temecula, CA contrary sa sinasabi ng ilang Pinoy doon. "I watched the show of Rico, Hajji, Rey, Marco and Nonoy at Pechanga in Temecula last month at punung-puno ang venue. Talagang naghintay pa ang concertgoers after the show para makita ng malapitan ang grupo nina Rico J. Ask Ms. Norma Japitana, who was introduced that night. I guess mapili lang ang Pinoy viewers dito at gusto sulit ang bayad," say ni Jen.

Pero isang source ang nag-confirm na totoo raw na hindi kumita ang concert ng isang sikat na Pinay singer nang dumayo sila sa Amerika.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments