Unang intensyon kasi ay tumakbo lamang sila ng apat na episode. Pampuno lamang sila ng oras, habang ang network ay nag-iisip pa ng tamang programa para sa nasabing slot. Yun pala, di lamang mga kabataan ang naaaliw sa show kundi maging ang mga magulang nila at guro dahilan sa mga magagandang values na iniiwan nito sa mga manonood.
Buong buwan ng Hulyo ay magsisilbing selebrasyon ng 1st anniversary ng programa. Magsisimula ito sa Hulyo 2 sa pamamagitan ng episode na Sirena na tatampukan ni Nadine Samonte, kasama sina Christopher de Leon at Sandy Andolong.
Masaya ang programa na pinangungunahan nina Lola Tasya (Carme Sanchez), Epoy (Eisen Bayubay), Jewel (Sandy Talag) at ang robot na si Rextor (John Feir) dahil bukod sa mayron na silang jingle na kinakanta ni Sandy, may isa pang character na karagdagan sa show, si Yaya (Patricia Ysmael).
Mapapanood sa mga darating na episode ang Alamat ng Bulkan, Magic Harmonica, Alamat ng Agila at ang history ng Mahiwagang Baul.
Bilib din naman ako dahil buo ang loob niya na makukuha niya ang role sa kabila ng pangyayaring magagaling din ang mga nakalaban niya pero, ayon kay direk Manny Valera ay namayani ang angkin niyang talento sa mga huling bahagi ng audition.
Malaki ang cast ng Zsa Zsa Zaturnnah na nagtatampok din kina Pops Fernandez, Rustom Padilla,Glaiza de Castro, Alwyn Uytingco, Giselle Sanchez, Say Alonzo at marami pang iba, sa direksyon ni Joel Lamangan. Tungkol sa isang baklang parlorista (Rustom) na kapag nakakalulon ng isang bato ay nagiging isang Pinoy Superhero (Zsazsa).
Aalis ang grupo sa July 17 hanggang 23 kasama ang staff ng Great Wings na sina Grace P. Yalung, Alex Vergara, Joel Darvin Santos, Aileen S. Camacho at Angelo Bordador.
Panoorin kung paanong ginagawa ang worlds largest buko pie, pahabaan ng kuko, paramihan ng pagkain ng walang solid sa anghang ng sili o basta kahit anong record breaking stunt.
Kung may alam kayong karapat dapat na matawag na Ultimate Pinoy Record Holder, tawag lang sa 9369416 o 9362551 local 322.