‘Saksi’ ng GMA, hindi tatapatan ang ‘Bandila’

Nagtanong kami sa taga-news department ng GMA-7 kundi ba nila aagahan ang Saksi dahil simula July 3, mas maaga na ang news program ng ABS-CBN. Eksaktong 10:30 p.m. daw papasok si Korina Sanchez para mag-report ng mga balita sa Bandila. Kundi sasabay ang Ch. 7, bilasa na ang mga ihahatid na balita nina Vicky Morales at Arnold Clavio dahil madalas, 11:30 p.m. sila pumapasok at natatapos sila, madaling-araw na.

Sabi ng kausap namin, as of last week, wala pang pagbabago ang programming ng Ch. 7 at sa ganoong late hour pa rin ang Saksi. Naniniwala raw ang management na may viewers pa rin sila kahit marami ang nagrereklamong very late na ito. Sa pagbabago ng oras ng news program ng Ch. 2, ang The Big News na ng ABC 5 ang kanilang makakatapat.
* * *
Kinonsider pala ang boyfriend ni Jolina Magdangal na si Atty. Bebong Muñoz na mag-guest sa I Luv NY bilang suitor ng singer-actress. Hindi lang natuloy dahil tatakbo itong congressman sa Caloocan sa next election at baka intrigahin at maging daan para siya matalo. Ibang actor na lang ang kukunin nila at baka si Keempee de Leon ito.

Ang confirmed na nadagdag sa cast ng soap ay ang mga taga-Pinoy Pop Superstar na sina Jonalyn Viray, Gerald Santos, Michael Garcia at Charmaine Piamonte. Si Gerald ay si Gerry na kapatid ni Polly (Jolina) na may tampo sa kanya nang pumunta siya ng New York at friends nito sina Jonalyn at Michael. Papasok din si Tess Bomb as Jing, ang salbaheng half-sister nina Polly at nang-aapi kay Gerry. Drama ang linggong ito sa fave soap ninyo.
* * *
Napunta kina Pauleen Luna at Alwyn Uytingco ang role na unang in-offer kina Jackie Rice at Marky Cielo sa Zsa Zsa Zaturnnah. Conflict of schedule raw ang rason kaya ‘di nakasama ang mga taga-StarStruck. Wala si Pauleen sa storycon kaya, ang young actor ang aming nakausap.

Balik-Regal si Alwyn sa ZZZ dahil nakagawa na siya ng movie rito dahil kay Manny Valera na co-manager ng Star Magic sa career niya. Nalaman naming pinag-audition ang bagets sa gay role na ginampanan ni John Prats sa Manay Po pero, ‘di siya napili dahil nahalatang nahihiyang gumanap na bading. Eh, sa ZZZ ay magiging babae siya at nangakong ‘di na mag-iinarte at gagawin anuman ang ipagawa ni director Joel Lamangan.

Inamin ni Alwyn ang panliligaw kay Shaina Magdayao na naudlot nang buwagin ang love team nila. Naging girlfriend din nito si Jill Yulo pero, break na sila dahil sa kanilang conflicting schedule kaya, wag kayong magugulat kung ma-link siya kay Pauleen.
* * *
Kung kailan umamin si Paolo Contis na MU na sila ni Isabel Oli, saka naman wala ang actress sa presscon ng Season 11 ng Love to Love dahil may sakit ito at three days naospital. Sayang at chance na sanang marinig kung kukumpirmahin o idi-deny ang inamin ni Paolo.

Ang hirap paaminin ni Isabel sa kung anumang relasyon nila ni Paolo dahil very strict ang ama. Kahit nasa Singapore ito, nababasa pa rin ang mga nasusulat tungkol sa anak kaya, walang ligtas si Isabel. Pinagbawalan itong makipag-boyfriend kahit nasa right age na kaya itinago ng dalaga nang magka-BF noong nasa Cebu pa siya (si Marco Alcaraz kaya ito?).

Puro papuri si Paolo kay Isabel at GF material daw dahil mabait, malambing at very independent. Hindi lang alam ng actor kung kailan sila nagkaroon ng mutual understanding kaya ‘di uso sa kanila ang ‘monthsary.’ Sabagay, tama ang sinabi nitong ‘di na kailangan ang ganoong ka-ek-ekan kung mahal mo ang isang tao.

Tampok ang mag-MU sa Fat is Fabulous episode at cute na pinataba rito si Isabel. Kasama nila ang former ABS-CBN talents na sina Tin Arnaldo at Justin Cuyugan at ang loveteam nina Vaness del Moral at Vivo Ouano sa direksyon ito ni Mark Reyes.

Show comments