Nung nakaraang Biyernes ng hapon ay pinasyalan namin si Marvin sa kanyang bagong bukas na Cafe Ten Titas sa Gateway. Natiyempo naman at wala itong shooting kaya nagkaroon ito ng panahon na makipagtsikahan sa amin ni Joseph Gonzales ng S Magazine. Si Marvin mismo ang personal na nag-asikaso sa amin at agad kaming nilatagan ng kanilang tempting menu.
Nasa ikasampung taon ngayon si Marvin ng kanyang showbiz career.
Pinasasalamatan ni Marvin ang kanyang naging working experience sa Shakeys at Tia Maria dahil ito ang naging daan para pasukin din niya ang restaurant at food business. Meron siyang apat na branches ng Ricecapades. Dinarayo rin ang kanyang Oyster Boy, Cafe Ten Titas at Japanese restaurant na Sumo Sam na matatagpuan naman sa may Sangri-La Plaza sa Ortigas Center.
Nag-aral din siya sa Thames ng Business Administration although hindi niya ito natapos pero nagtapos naman siya sa Asian Institute of Management ng Arts Management at may slot na rin umano siya sa Ateneo. Kahanga-hanga si Marvin dahil maganda ang kanyang foresight. Nung mga panahong hindi siya gaanong busy sa kanyang showbiz career ay binalikan niya ang kanyang pag-aaral at nagtayo din siya ng negosyo sa tulong ng kanyang mga kaibigan. Sa awa naman ng Diyos, lahat ng negosyong kanilang pinasok ay matagumpay.
Umalis man si Marvin sa pangangalaga ng Talent Center ng ABS-CBN ay hindi umano ito nangangahulugan na hindi na siya welcome sa kanyang dating home studio.
Sa mahigit apat na taong hindi nagka-trabaho sina Marvin at Jolina Magdangal, aminado ang aktor na naroon pa rin umano ang magic ng kanilang working relationship. "Magkatitigan lang kami, alam na namin ang isat isa. Kumportable kaming magkatrabaho," ani Marvin.
Ang Oh My Ghost ay second team-up na bale nina Marvin at Rufa Mae Quinto. Una silang nagkasama sa pelikulang Super B, may apat o limang taon na ang nakararaan.
Samantala, inamin ni Marvin na gusto niyang sundan ang mga yapak ni Vic Sotto, isa sa kanyang mga hinahangaang komedyante.
Magtatalo ang magkapatid na sina Nene (Ronaldo) at Baby (Tessie) hanggang sa nasampal ni Nene ang kanyang kapatid. Hindi makapaniwala si Nene sa nagawa niya.
Magkakasakit naman ang magkapatid na Junabeth (Bea Binene) at Julius (Gabriel Roxas). Isusugod sa ospital ang magkapatid at si Dra. Fanikera Grabe ang susuri sa dalawang bata. Makikita ni Dorothy (Sunshine Dizon) ang diary ng namayapang si Lola Anying (na ginagampanan din ni Tessie) at nakalagay doon na si Baby and tanging tagapagmana ng bahay na sobrang ikinatuwa naman ni Baby.