Demanda sa kapatid ni Jericho Rosales, tuloy pa rin!
June 25, 2006 | 12:00am
Ang swerte ng baguhang producer ng bagong tatag na production outfit na Journey Pictures ni Rei Diaz para sa pelikulang Sikil dahil nakuha niya ang serbisyo ni Sylvia Sanchez.
Inamin ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) na hindi niya kilala ng personal ang producer, pero nang mabasa niya ang script ay nagustuhan niya at ang naging dahilan kung bakit din niya tinanggap ang offer ay dahil sa personal niyang kakilala ang director na si Ronaldo M. Bertubin na nakasama na niya sa stage plays at bilib siya sa kakayahan nito bilang director.
"At saka gusto ko ring subukan ang digital film, first time ko at maganda naman ang naging experience ko sa shooting maski na baguhan ang mga kasama ko, kasi dalawa lang kaming beteranang artista rito ni Ms. Anita Linda. Kaya sabi ko sa mga bata, ibigay nila ang best nila rito sa movie dahil dito sila huhusgahan ng tao.
"Okey naman lahat, especially yung bida, si Ken Escudero bilang si Enzo na anak ko at isa palang closet gay prostitute sa movie. Masarap gumawa ng digital film, masarap tumulong sa mga baguhan dahil mapi-feel mong malaking bagay ka sa kanila, eh, ako naman, eversince tumutulong ako sa baguhan, kaya lang bigyan mo rin ako ng respeto," esplika ni Sylvia sa presscon ng Sikil na starring din sina Ashley Silverio at Corrine Concepcion.
Pinag-uusapang bading daw ang kilalang opisyal ng lalawigang nasa North dahil nasa marrying age na ay hindi pa rin nag-aasawa at ang parati niyang press release ay, "Hindi ko pa natatagpuan ang babaeng para sa akin.
Maraming babaeng naging karelasyon daw niya kuno, pero after a month or two ay hiwalay na sila at kapag na-interbyu ang mga babaing na-link, halos iisa ang dialogue, "Hes too good to me, hindi kami bagay, he deserves somebody else than me."
Ang tsika nililigawan talaga ng kilalang opisyal ng lalawigan ang mga babaing nali-link sa kanya at araw-araw na binibigyan ng mamahaling regalo at perang pang-travel o pang-shopping, nataon naman na lahat ng na-link sa kanyang babae, eh, mga bilmoko girls kaya okey lang.
Kaya takang-taka ang mga taga-showbiz sa opisyal ng lalawigan na gwapo naman at mabait, pero walang nakakatagal na babae sa kanya.
Hanggang sa nakita raw ang opisyal ng lalawigang ito sa isang mamahaling bar sa karatig lalawigan nila na masasabing ka-level na ng Makati City na nasa isang private room at nanonood ng sumasayaw na male dancer.
"Wala naman siyang ginawa sa male dancer, nanood lang after ng sayaw, nagbayad at umalis na kasama ang dalawang alalay," say mismo ng empleyado ng bar na naka-tsikahan namin sa isang event.
Nagulat kami sa tsika dahil ang alam namin ay lalaking-lalaki ito at mahilig pa sa action movies at kilalang matulis ang kanyang amang pulitiko rin.
Nag-text sa amin ang babaing ina ng mga anak ni Jeremiah Rosales named Ethel Gonowan para pabulaanan ang isyung okey na sila ng kapatid ni Jericho Rosales tungkol sa sustento ng tatlong bata.
Nabasa raw kasi ni Ethel last week ang sinulat naming interbyu kay Echo sa presscon ng Pacquiao The Movie na wala nang problema sa pagitan ng kapatid niyang si Jeremiah at kay Ethel, okey na at walang demandahang nangyari.
"Hindi po totoo yun, may demanda talaga, hindi pa kami ayos. Mali-mali ang sinabi ni Kuyeto, (Kuya Echo) patawa siya, huh," mensahe ni Ethel. REGGEE BONOAN
Inamin ni Ibyang (palayaw ni Sylvia) na hindi niya kilala ng personal ang producer, pero nang mabasa niya ang script ay nagustuhan niya at ang naging dahilan kung bakit din niya tinanggap ang offer ay dahil sa personal niyang kakilala ang director na si Ronaldo M. Bertubin na nakasama na niya sa stage plays at bilib siya sa kakayahan nito bilang director.
"At saka gusto ko ring subukan ang digital film, first time ko at maganda naman ang naging experience ko sa shooting maski na baguhan ang mga kasama ko, kasi dalawa lang kaming beteranang artista rito ni Ms. Anita Linda. Kaya sabi ko sa mga bata, ibigay nila ang best nila rito sa movie dahil dito sila huhusgahan ng tao.
"Okey naman lahat, especially yung bida, si Ken Escudero bilang si Enzo na anak ko at isa palang closet gay prostitute sa movie. Masarap gumawa ng digital film, masarap tumulong sa mga baguhan dahil mapi-feel mong malaking bagay ka sa kanila, eh, ako naman, eversince tumutulong ako sa baguhan, kaya lang bigyan mo rin ako ng respeto," esplika ni Sylvia sa presscon ng Sikil na starring din sina Ashley Silverio at Corrine Concepcion.
Maraming babaeng naging karelasyon daw niya kuno, pero after a month or two ay hiwalay na sila at kapag na-interbyu ang mga babaing na-link, halos iisa ang dialogue, "Hes too good to me, hindi kami bagay, he deserves somebody else than me."
Ang tsika nililigawan talaga ng kilalang opisyal ng lalawigan ang mga babaing nali-link sa kanya at araw-araw na binibigyan ng mamahaling regalo at perang pang-travel o pang-shopping, nataon naman na lahat ng na-link sa kanyang babae, eh, mga bilmoko girls kaya okey lang.
Kaya takang-taka ang mga taga-showbiz sa opisyal ng lalawigan na gwapo naman at mabait, pero walang nakakatagal na babae sa kanya.
Hanggang sa nakita raw ang opisyal ng lalawigang ito sa isang mamahaling bar sa karatig lalawigan nila na masasabing ka-level na ng Makati City na nasa isang private room at nanonood ng sumasayaw na male dancer.
"Wala naman siyang ginawa sa male dancer, nanood lang after ng sayaw, nagbayad at umalis na kasama ang dalawang alalay," say mismo ng empleyado ng bar na naka-tsikahan namin sa isang event.
Nagulat kami sa tsika dahil ang alam namin ay lalaking-lalaki ito at mahilig pa sa action movies at kilalang matulis ang kanyang amang pulitiko rin.
Nabasa raw kasi ni Ethel last week ang sinulat naming interbyu kay Echo sa presscon ng Pacquiao The Movie na wala nang problema sa pagitan ng kapatid niyang si Jeremiah at kay Ethel, okey na at walang demandahang nangyari.
"Hindi po totoo yun, may demanda talaga, hindi pa kami ayos. Mali-mali ang sinabi ni Kuyeto, (Kuya Echo) patawa siya, huh," mensahe ni Ethel. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am