Di kinakagat ang remake sa TV
June 24, 2006 | 12:00am
Yong kantang "I Need You" na kinanta ni Mark Bautista ay napiling "favorite remake" sa nakaraang MYXMusic Awards. Maaaring sabihin na hindi naman si Mark ang nanalo roon kung di ang kanta, pero isang katotohanan na kung hindi mahusay ang pagkaka-remake ni Mark ng nasabing kanta, ni hindi mapapansin iyan. Ang daming nag-remake ng mga kanta, pero hindi man lang napansin. Kaya nga masasabing dapat bigyan din ng kredito ang singer na gumagawa ng mga kantang remake na iyan. Palagay namin marami rin ngang dapat na ipagpasalamat iyang si Mark Bautista. Isipin ninyo, nakarating siya sa Maynila nang naki-angkas lang noon sa barko. Hindi siya nanalo sa Star for A Night, pero hindi maikakailang naging star din naman siya. Yong kanyang huling concert na ginawa sa Aliw Theater, kumita iyon. Pero may isang bagay namang kapansin-pansin diyan kay Mark eh, hindi kasi siya yumabang. Wala kang maririnig sa mga kasama niya na yumabang siya. Wala ring nagsasabi na may mga magulang siya o kaanak na nagyayabang na rin kagaya ng iba.
May isa pang bagay na napansin namin. Bini-build up iyang si Mark bilang isang balladeer, pero ang nagsasabi na ang personalidad niya ay nahahawig sa Asian superstar na si Rain, at marahil daw kung susubukan din ni Mark ang ganoong klase ng music na mas pop, baka nga mas kagatin siya. Bata pa naman si Mark, at sa palagay namin makukuha pa niya ang market na iyon.
Sa panahong ito, masasabing hindi pa dapat gumagawa ng remake sa tv. Lahat ng ginawang remake sa tv ay nasasayang ang material. Nadadamay pati na ang mga artista na dapat sana papasikat na pero nababatak pababa ng maling projects. Tingnan ninyo, hindi umabante ang Panday. Kasi hindi matanggap ng tao na may ibang Panday bukod kay FPJ. Maski na nga sina Bong Revilla at Jinggoy Estrada, ginawa rin iyan pero hindi na nakaulit. Tapos ba gagawin mo sa tv? Eh di bagsak nga.
Ginawa nila iyang Bituing Walang Ningning. Nariyan pa si Sharon Cuneta eh. Kaya nga sinasabi namin baka mas mabuti pa kung ang ginawa na lang ni Sarah Geronimo eh remake noong Gagay Prinsesa ng Brownout.
May isa pang bagay na napansin namin. Bini-build up iyang si Mark bilang isang balladeer, pero ang nagsasabi na ang personalidad niya ay nahahawig sa Asian superstar na si Rain, at marahil daw kung susubukan din ni Mark ang ganoong klase ng music na mas pop, baka nga mas kagatin siya. Bata pa naman si Mark, at sa palagay namin makukuha pa niya ang market na iyon.
Ginawa nila iyang Bituing Walang Ningning. Nariyan pa si Sharon Cuneta eh. Kaya nga sinasabi namin baka mas mabuti pa kung ang ginawa na lang ni Sarah Geronimo eh remake noong Gagay Prinsesa ng Brownout.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended