Tungkol naman sa X-44 nina Vhong Navarro at Mariel Rodriguez, di pa rin ito tapos. Malaki raw ang pelikula kahit comedy ang treatment dahil may fight scene.
Kinumpirma rin ng director na siya ang magdidirek ng repeat ng Bombshell concert ni Rufa Mae Quinto sa August 19 sa Mall of Asia.
Sabi ni Jennylyn hindi siya bothered sa isyu sa kanila ni Jeremy nang makausap namin sa taping ng I Luv NY. Wala raw siyang dapat ikatakot dahil wala siyang kinalaman sa pinag-awayan nina Alex at Jeremy. Pero, kalaunan, inaming nairita siya.
"Hindi ko alam bat ako nasali at di ko na rin pinapansin as long as di totoo. Hindi ko kayang magpaligaw sa taong alam kong committed. Hindi ko rin ugali ang manggulo sa relasyon ng iba. Nakaka-iritang nadadamay ako na wala naman akong kinalaman," sabi nito.
Ang inamin ni Jennylyn ay ang paglabas-labas nila ni Patrick Garcia. Hindi na lang nito sinabi kung ilang beses basta, hindi ang pagvi-videoke nila sa Music Match ang first time. Nagka-kape raw sila pero, laging marami sila.
"Nagustuhan ko kay Patrick? Mabait siya sa akin, sobrang gentleman at nirerespeto ako. Wala akong masabi, sobrang bait niya."
Alam ni Mark ang tsismis kina Jennylyn at Patrick at alam din ng dalaga ang isyu sa kanila ni Nicole Anderson. Ang maganda lang sa dalawa, kahit walang relasyon, tanggap pa rin ng fans ang kanilang loveteam. Pinaaabangan pala nito ang mga susunod na episode ng I Luv NY dahil marami pa ang mangyayari hanggang matapos sa 18 weeks.
Sa kanyang handler nagpapasalamat si Vaness dahil masipag siyang ihanap ng trabaho at siguro raw, magaling siyang gumanap na kontrabida. Mean girl na naman ang role niya sa Posh at dahil sanay na siya, hindi na niya kailangang i-arte ng husto.
Ayaw namang tanggapin ni Vivo na kaya marami siyang shows dahil malakas siya sa GMA-7 at QTV 11. Kung palakasan daw ang labanan, sana nanalo siya sa StarStruck 3? Hindi nga raw siya nakasali sa Final 4. Dahil sa dami ng show, nag-transfer sa Distance Learning Center ng ABS-CBN ang bagets mula sa Claret School. Hindi na kaya ng kanyang schedule ang pumasok sa regular school kahit gusto niya.
Sa Sabado, 5 p.m. na ang pilot ng Posh sa direksyon ni Jay Altarejos. Sana nga, sundan nito ang success ng TGIS na hanggang ngayon, mahal ng viewers. Nitz Miralles