Galit ito dahil ilang ulit daw siyang tumatawag sa handler pero di nito sinasagot ang mga tawag niya. Matapos sapakin pa uli sa mukha ang handler ay lumapit ito sa presidential table na kung saan ay naroron ang buong cast ng pelikula kasama ang producer nito na si Rei Diaz Yumol.
Nag-monologue ito, claiming na anak niya si Ken at humihingi dito ng tawad dahil di raw niya ito naalagaan. Marami pa rin itong sinasabi pero, napako na ang atensyon ng lahat sa inaari niyang anak na nakamulagat at parang walang nakikita. Nang makaalis ang babae matapos itong palabasin ng security ay saka lamang nahimasmasan si Ken who said na di niya kilala ang babae, first time niya itong nakita.
After Kens victory sa G. Pilipinas tilt, nagpa-presscon ito at isa ako sa naimbita. Dun ipinakilala sa media si Ken at pati na ang pamilya niya na binubuo ng kanyang mga magulang, mga kapatid, lolot lola at iba pang kamag-anak. Di ko natatandaan na nakita ko dun yung babaeng nanggulo.
Samantala, nginig naman sa galit ang producer ng Sikil dahil maliit daw siyang prodyuser at sinira pa ng babae ang pinagpaguran nilang first presscon. Inaliw na lamang siya ng press sa pagsasabing gawin niyang bentahe ang mga nangyari para ma-promote ang kanyang pelikula. Pumasok siya sa isang magulong mundo kaya dapat handa siya sa mga ganung kaguluhan.
Sa kabila pa naman ng krisis sa pelikula, ang paggawa ng pelikula ang paraan niya para makatulong sa industriya at maibalik sa Panginoon ang lahat niyang blessings.
Ang Sikil ay sinulat ni Romualdo E. Avellanosa at nasa direksyon ni Ronaldo M. Bertubin. Tampok sina Sylvia Sanchez, Anita Linda at Dido dela Paz, kasama ang mga kabataang nakapasa sa pagsubok at audition na ibinigay ng produksyon Ken, Wil Sandejas, Ashley Silverio, Ethan Javier, Marty Mendoza, Corrine Concepcion at marami pang iba.
Marami rin akong natutunan sa show about other countries. Sabi ko sa daughter ko, gusto ko sa New Zealand ako mag-retire. Ipinakita ni Ivan Mayrina kung gaano kaganda at katahimik ang lugar at kung gaano kababait ang mga tao dun.
I especially like the episode on Vietnam na ipinalabas nung Wednesday, hosted by Rhea. Parang Pinas din kaya lamang, mas madali silang nakabawi matapos ang giyera. Unlike dito sa atin na mahigit 50 years nang natatapos ang digmaan pero parang palagi na lang tayong nagsisimula. I like the way Vietnamese treat the Pinoys in their country na parang hulog tayo ng langit sa kanila.
Sana ganito rin kaganda (para sa akin) ang Pinoy Meets World nina Miriam Quiambao at Paolo Bediones na kapalit ng Pinoy Abroad.
veronica@philstar.net.ph