Natutuwa nga siya dahil hindi naibigay sa kanya ang role ng White Lady dahil baka kapaag ginampanan niya ito ay magkasakit na naman siya at maospital.
Noon kasing mag-guest si Pauleen sa Nginiig kung saan ginampanan ang babaeng sinapian ng bad spirit ay nagkasakit ito.
Sa kabilang banda, handa na ang pamilya ni Pauleen sa debut nito na gaganapin sa darating na November 10. Meron 18 candles at 18 treasures pero walang 18 roses dahil ayaw ng daddy nitong maging first dance niya dahil napakamahiyain nito.
May kaya ang kanyang magulang na parehong matagumpay na negosyante pero hindi siya spoiled.
Isang matinee idol material si AJ na ang puhunan ay di lang ang kagwapuhan kundi mayroon ding talento sa pag-arte lalo na sa drama.
Naniniwala ito na di siya tipong artista pero nang mag-audition sa Star Magic ay nakuha agad ito. Hindi siya nagsisigarilyo at mahilig sa ice skating kung saan anim na oras ang ginugugol niya araw-araw sa Mall Of Asia.
Balitang may karelasyon itong mayamang bading na director na very good provider. Kahit madalang ang pelikula ng aktor ay living in style pa rin siya dahil sa kanyang gay benefactor.