Si Regine ang gustong kapareha ni Bong sa susunod na movie niya

"We’ll definitely produce more films," ani Marlon Bautista, bro ni Sen. Bong Revilla at isa sa namumuno ng Imus Productions na nagprodyus ng matagumpay na Kapag Tumibok Ang Puso, Not Once But Twice, starring Bong, Aiai delas Alas & Precious Lara Quigaman plus a powerhouse cast under the direction of Wenn Deramas. Ikalimang pelikula ito ng Imus na naging boxoffice hits matangi sa Exodus na sa sobrang laki ng gastos (P80M) ay nakakabawi pa lamang.

Ang susunod na pelikula ng Imus na magtatampok muli kay Bong at magpapareha sa kanya kina Regine Velasquez at Sharon Cuneta. Obviously, romantic comedy din ang magiging tipo ng pelikula na siyang hanap ngayon ng manonood dahilan sa kahirapan ng buhay.
* * *
Ang muling pagsasama ng GMA7 at Viva ay makakabuti sa mga talents ng Viva dahilan sa magkakaro’n ang mga ito ng exposure.

Tulad ni Nikki Bacolod na napapanood lamang sa ABS CBN bilang host sa Davao ng Little Big Star. Matatandaan na si Nikki ang mahigpit na nakalaban ni Jerome Sala sa Search for the Star in a Million 2 years ago. Bukod sa maganda ang boses, mayro’n ding magandang mukha si Nikki na bagay sa TV at movies.

Kasama si Nikki sa youth oriented show ng QTV11 na Posh na magsisimulang mapanood sa Hunyo 24, Sabado, 5NH. Tungkol ito sa mga kabataan na worlds apart, isa ay filthy rich (posh) at ang ikalawa naman ay poor na poor (ka-posh).

Campus clash kaya o barkadahan ang kahihinatnan ng pagtatagpo nila?

Isang champion swimmer si Nikki na kinakailangang gamitin muna ang kanyang husay sa paglangoy bilang isang exercise para makapag-concentrate sa kanyang pagkanta at pag-arte.

Kukuha ito ng acceleration test para makapag-college siya sa susunod na taon. Sa ngayon kasi ay nasa pagitan siya ng pagiging junior at senior sa high school sa pamamagitan ng home study program.
* * *
Ibang klaseng White Lady si Angelica Panganiban sa pelikula niya sa Regal na may kapareho ring pamagat. "Yung mga nababalitang white ladies ay nakatayo lamang, ako kumakanta pa kaya lamang pabaliktad ang lakad ko at baku-bako ang face ko, di tulad ng babae sa kwento na maganda," anang aktres na umaming di siya nahirapan sa role kundi sa ginamit niyang prosthetics na naging dahilan kung kaya minsan ay namaga ng todo ang mata niya at lumobo.

Si Boots Anson Roa lamang ang senior star na kasama sa pinaka-huling boxoffice hits ng Regal na sinimulan ng Pamahiin na isa ring nakakatakot na pelikula at ng nakakatawang Manay Po. Hindi naman daw siya pinahirapan ng kanyang mga co-stars na bagets dahil mga professional sila, di nagbigay ng sakit ng ulo, madaling tumanggap ng instruction at maaga sa set. "Sa halip na turuan ko sila, ako ang maraming natutunan sa kanila," ani Boots.
* * *
E-mail: veronica@philstar.ph.net

Show comments