Manalo o matalo man sa laban kay Larios, Manny, may 2 pelikula pa sa FLT!
June 21, 2006 | 12:00am
Noong nakaraang Sabado ay nasulat namin sa aming kolum ang balitang pagkaka-aresto sa Guam ng ama ng singer-actor na si Dingdong Avanzado, si G. Fidelito Avanzano nung nakaraang Hunyo 6 na may kinalaman umano sa magkakahiwalay na land-deal na pinasok nito sa Saipan. Ang balitang ito ay lumabas sa Pacific Daily News ng Guam.
Bago namin inilabas ang balitang ito ay sinubukan naming kunin ang panig ni Dingdong tungkol dito pero itoy nasa San Francisco, California. Ang misis niyang si Jessa Zaragoza ang nakausap namin.
"Na-hold lamang si Daddy (G. Fidelito Avanzado, father-in-law ni Jessa) ng ilang oras for questioning. Hindi siya nakulong tulad ng nabalita sa diyaryo sa Guam. Verbal complaint lang yon sa nangyaring transaction 16 years ago. Wala ring filed charges against him kaya siya pinakawalan," paliwanag ni Jessa.
Nakabalik na rin ng Pilipinas si G. Fidelito Avanzado kasabay ang anak nitong si Dingdong.
Bukod sa Pacquiao: The Movie na tinatampukan nina Jericho Rosales at Bea Alonzo sa ilalim ng FLT Films at Star Cinema na dinirek ng premyadong director na si Joel Lamangan, may dalawang film project na gagawin si Manny sa ilalim ng FLT Films - ang isa ay ang pelikulang pagsasamahan nila nina Aga Muhlach at Regine Velasquez habang ang isa naman ay tatampukan nina Manny at Vic Sotto.
Ayon sa lady producer ng FLT Films na si Mommy Rose Flaminiano, win or lose si Manny sa kanyang laban ay gagawin nito ang dalawang pelikula.
Halos tatlong taon ding tumigil si Mommy Rose sa pagpu-produce ng pelikula. Ang huli nitong pelikulang ginawa ay ang You and Me Against The World na pinagtambalan nina Robin Padilla at Kris Aquino at ipinalabas nung 2003. Pagkatapos nito ay nag-concentrate si Mommy Rose sa real estate business. In between ay isisingit na rin niya ang pagpu-produce ng pelikula lalo na ngayong bumalik na naman ang kanyang sigla sa pagpu-produce ng pelikula.
E-mail: [email protected]
Bago namin inilabas ang balitang ito ay sinubukan naming kunin ang panig ni Dingdong tungkol dito pero itoy nasa San Francisco, California. Ang misis niyang si Jessa Zaragoza ang nakausap namin.
"Na-hold lamang si Daddy (G. Fidelito Avanzado, father-in-law ni Jessa) ng ilang oras for questioning. Hindi siya nakulong tulad ng nabalita sa diyaryo sa Guam. Verbal complaint lang yon sa nangyaring transaction 16 years ago. Wala ring filed charges against him kaya siya pinakawalan," paliwanag ni Jessa.
Nakabalik na rin ng Pilipinas si G. Fidelito Avanzado kasabay ang anak nitong si Dingdong.
Ayon sa lady producer ng FLT Films na si Mommy Rose Flaminiano, win or lose si Manny sa kanyang laban ay gagawin nito ang dalawang pelikula.
Halos tatlong taon ding tumigil si Mommy Rose sa pagpu-produce ng pelikula. Ang huli nitong pelikulang ginawa ay ang You and Me Against The World na pinagtambalan nina Robin Padilla at Kris Aquino at ipinalabas nung 2003. Pagkatapos nito ay nag-concentrate si Mommy Rose sa real estate business. In between ay isisingit na rin niya ang pagpu-produce ng pelikula lalo na ngayong bumalik na naman ang kanyang sigla sa pagpu-produce ng pelikula.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended