Hindi artista si Erik pero, may shooting schedule na rin siyang tsini-check. Actually, shooting sked ito ni Rufa Mae ng Oh, My Ghost kung saan siya bumibisita at kapag may lakad, inaalam muna kung di magkaka-conflict sa shooting ng dalaga para nadadalaw niya ito. Siya mismo ang nagda-drive ng kotset ayaw gambalain ang kapatid dahil madaling-araw siya bumibisita at nagbabantay.
Nagugulat (at natutuwa) si Erik na ngayon pa lang, tanggap ng kanyang pamilya at fans kung maging sila ni Rufa Mae. Kinikilig ang kanyang fans at ipinapaalam kung may write-up sa kanila. Ang daddy niya, laging kinukumusta si P-chi (palayaw ni Rufa Mae) at masuwerte raw siya na ang nali-link sa kanyay pinapantasya ng marami.
Dahil malayo silang mag-guest na magkasama dahil sa magkaibang network sila naka-kontrata, wish na lang ni Erik na ma-i-guest niya si Rufa Mae sa bago niyang album for Star Records. Ang "Your Song" ng Alamid ang song ni Erik for Rufa Mae at naalala naman siya ng dalaga sa "Overjoyed" ni Stevie Wonder.
Nasa abroad ang boyfriend ni Rachelle na si Christian Bautista nang siyay manalo kaya, sa phone na lang siya nito nabati. Four months na ang relasyon ng dalawa and up to now, hindi pa rin matukoy ng dalaga ang eksaktong petsa na sinagot niya ang bf. Sana di nila pag-awayan na everytime tinatanong si Rachelle ay nag-iisip ng malalim.
Kasama sa cast ng White Lady si Katarina, her first sa Regal at kahit hindi siya ang bida, masaya siya sa kanyang role at exposure. Sa 13 shooting days, nine days siya kasama at mahaba ang kanyang participation as Eva na nang-aaway kay Angelica Panganiban.