Maganda raw ang kwento ng Season 12 at magagaling din ang mga artista niya rito tulad nina Romnick Sarmenta at ang pagbabalik ni Jordan Herrera sa telebisyon mula sa direksyon ni Pat Perez at sa panulat naman ng nagbabalik na si Suzette Doctolero.
Very alarming ang text message na ito dahil kasalukuyang gumagawa palang ng mga pangalan ang mga nabanggit at wholesome ang packaging sa kanila ng GMA Artist Center at GMA 7.
Tiyempong katsika namin ang manager ni Vivo na si John Fontanilla at inamin nga niyang lumalabas ang alaga niya at kasama nga sina Jeric at Gian.
"Alam ko, magkakabarkada nga sila at lumalabas sila, pero hindi ko alam na nagpupunta sila sa bars. Naku, nakakaloka yan.
"Sige, tatanungin ko si Vivo, kaya lang, aamin kaya sa akin? Career lang niya kasi ang pinakikialaman ko, hindi ang personal life, pero dapat ko rin sigurong malaman kasi hindi maganda yang isyu," pahayag ng katotong John.
Samantala, may nagtsika naman sa amin na mga miyembro raw ng Baywalk Bodies ang nakikitang ka-chika ng tatlong StarStruck batch 3.
Susme, ano bang mayroon ang Baywalk Bodies at parati na lang silang nali-link sa mga taga-StarStruck?
Pare-parehong may mga gagawing soap drama ang tatlong pares, pero sa kaso ni Echo ay hindi raw niya tatanggapin ang offer dahil gusto raw muna niyang magpahinga sa kanyang acting career.
"I have nothing against the soap, pero katatapos lang ng Panday at gusto kong magpahinga muna," katwiran ng binata alyas Manny Pacquiao sa Pacquiao The Movie.
Pero sina Diet at Tintin ay okey na at nag-story conference na sila few weeks ago pa, samantalang yung kina Ryan at Juday ay nasa 80% na at hindi palang nagi-storycon dahil hindi pa tapos ang Sa Piling Mo na kasama naman ng aktres si Piolo Pascual.
Nakakataka lang, bakit may press release na ang Piolo at Claudine Barretto soap drama, bakit kina Ryan at Budaday ay wala pang ipinalalabas?
Ilang buwan na raw ang ipinagtitiis ng buong staff and crew kasama na ang ibang guest artists ng programa sa struggling actor kayat inakyat na raw nila ang problema during the management meeting at kaagad sinabi ng bossing na tanggalin na nga ang pasaway na struggling actor na may impluwensiya rin ng magulang.
At ngayong tsinugi na, hindi pa rin nawawala ang sakit ng ulo ng staff and crew ng nabanggit na programa dahil sinisiraan naman daw sila ng magulang ng actor at para hindi mahalata, may inuutusang tao para sirain ang programa.
Ending, bukelya ang modus operandi ng mag-ina at ng taong inutusan, hindi lang namin sure kung anong move ang gagawin ng network sa struggling actor kung kukunin pa siya sa ibang programa nito. REGGEE BONOAN